~Chapter Eighteen: THAT NIGHT DAY1.4/DAY2╚(•⌂•)╝~

3.5K 66 0
                                    

------

Nang natapos na ako mag ayos ng aking sarili, kinuha ko na ang aking Laptop at mga battery ng aking mga Camera para mai-charge. Pagkatapos kong mag charge, humiga na ako sa kama at inilipat ko yung channel sa Tv dahil hindi pa ako makatulog. Inilipat ko ito sa HBO at nagandahan naman ako sa movie dahil Insidious 3.

"Mave hindi ka pa natutulog? Tulog na maaga pa yata tayo bukas" Narinig kong sabi ni Chris saakin at napalingon naman ako sakanya.

"Hindi pa kasi ako inaantok tska 8:30 pm pa lang kaya nanonood muna ako ng Movie. Ikaw kung gusto mo nang matulog okay lang naman. Babantayan naman kita" Sabi ko sakanya at ibinalik ko na ang aking mga mata sa Tv sabay nag focus na sa Movie na aking pinapanood.

"Ang sweet naman ni Mave, hindi din ako makatulog kaya pwedeng maki join sa Movie Marathon mo?" Mahinang sabi ni Chris saakin at tumungo na lamang ako dahil busy ako manood ng Insidious.

Habang busy kami sa panonood,hindi namin inexpect na may tumalon sa bintana at ang ikinabigla ko ay sumigaw si Chris sabay nagtakip ng Kumot. Buti tinulungan siya ng tatay ng bida at umayos na sa lagay si Chris sabay ngumiti saakin na para bang walang nangyaring sigaw niya kanina dahil sa pinapanood namin.

Hindi ko alam kung nagulat ba siya sa scene or takot lang siya. Hinayaan ko na lang at sinuluman ko ulit i-focus ang aking sarili sa movie para maintindihan ang story. Naramdaman kong bumibigat na yung mata ko at ipinikit ko muna ito dahil sumakit na rin yung ulo ko.

"PUTANG INA! FUCKK! MAVE GISING GISING MAVIS RENE HERMOSA! PATAYIN MO NA YUNG TV! PUTAAAAAAAANG INAAAAA!"

Naramdaman kong may umuuga saakin at napadilat yung mata ko dahil ang ingay ng sigaw. May halo pang mura, pagkadilat ko katabi ko na si Chris at napatingin naman ako sa Tv na biglang sumulpot yung Evil Spirit ng mommy ni Elise kaya agad akong napapikit dahil hindi ko kinaya yung itsura, feeling ko na captured ito sa utak ko.

Kinapa kapa ko sa gilid ng kama ko yung remote at nakuha ko din sabay inilipat ito sa ibang channel. Napabugtong hininga ako at napatingin kay Chris na nakataklob sa niya. Ibig sabihin hinatak niya pa yung kumot niya papunta sa higaan ko? Ibang klase talaga itong si Chris kapag natakot, so matatakutin pala siya sa mga horror movies? Eh kung takot pala siya edi dapat hindi na lang siya naki join saakin sa panonood.

Boys are Boys tsk.

Tumayo muna ako sa kama at tinignan ko sa orasan kung anong oras na at 10:00pm na pala. Chineck ko yung Laptop ko kung puno na ito pero hindi pa din. Lalabas na sana ako sa kwarto dahil kailangan pang lumabas sa kwarto para makapag-cr.

"Mave saan ka pupunta? Huwag mo akong iwanan dito sa kwarto."Sabi ni Chris na may halong nagpapaawa.

"Para kang bata, gusto mong sumama sa Cr?" Malamig kong sabi sakanya at sinamaan ko pa ng tingin dahil nairita ako sa inasal niya.

"Kung pwede lang, sama ako hintayin na lang kita sa labas ng Cr" Sabi ni Chris saakin at bigla naman itong umalis sa kanyang kama sabay pumunta sa aking pwesto na nakangiti.

"Ewan ko sayo. Duwag ka pala ano?" Pang-asar kong sabi sakanya at pumunta na sa Cr sabay pumasok na ako doon.

Hindi ko din alam kung bakit ako nag Cr, hindi naman ako naiihi or what kaya nag hilamos muna ako at habang nag hihilamos ako biglang may kumalabog sa bandang Dulo ng Cr kung saan nandoon ang Bathtab. Hindi ko na lang iyon pinansin at tinapos ko na ang aking paghihilamos.

"Mave dalian mo naman dyan, baka maihi ako sa takot dito ang dilim pa naman. Asan ba ang switch dito. Lumabas ka na nga dyaan, hindi ko na talaga kaya" Sigaw ni Chris sa labas ng Cr at hindi ko na lamang siya pinansin. Kumuha ako ng towel sa cabinet at pinunasan ko na yung mukha ko para matuyo.

PROJECT VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon