~ Chapter 45: THE BOX 0__0 ~

3K 50 1
                                    

Calling Jasper....

"Mavis asan ka na? Ikaw na lang hinihintay namin."

"Mauna na kayo, papunta pa lang ako."

"Okay sige, ingat ka sa pagmamaneho."

"Thanks"

Binaba ko na ang tawag ni Jasper at ako'y dumako na sa school dahil pictorial na pala. Ngayon na lang ulit ako nakalabas ng bahay. After kasing pumunta ako sa impyerno, ikinulong ko ang aking sarili ng 2 weeks para mamahinga. Buti umabot ang aking grocery ng 2 weeks, kundi mapipilitan akong lumabas para bumili ng pagkain. Pinatay ko naman ang aking cellphone ng 2 weeks, actually kakabukas ko lang nito kanina. Hindi naman ako nag taka kung bakit bumungad sakin ang text and missed calls. At ang nangunguna ay si Devon Mortus, na hindi ko alam kung anong problema nito dahil sa 500 missed calls and 850 messages.

Nang nakarating na ako sa school, pinark ko ito sabay bumaba na para dumeretcho agad sa Studio FTM dahil late na rin ako. Habang nag lalakad ako, biglang may tumawag sa aking cellphone at sinagot ko naman ito.

"Rene, attend ka mamaya ah."

"Saan naman Kade?"

"Rene, engagement party na namin mamaya."

"Ahh, ngayon na ba 'yon? Hindi ko pa kasi sure kung makakapunta ako. Pero i'll try, don't worry Kaden."

"Huwag mong i-try, gawin mo. Please umattend ka Rene, hihintayin kita."

"Okay sige."

"Ingat ka sa pagpunta, 7pm to 12am at Discovery Hotel Makati Avenue."

Pagkatapos ay nagpaalam ba ako at binaba ko na ang tawag. Nakakainis, bakit ngayon ko lang naalala? Hindi pa tuloy ako ready, hindi ko alam kung anong susuotin ko at kung pupunta ako dahil ayokong makita ang kaniyang soon-to-be his Wife, Stephany. Pero wala akong magagawa, kailangan umattend kahit napipilitan lang ako.

Pumasok na ako sa studio and bumungad sakin ang isang staff, inasikaso niya ang aking requirements tska ako pinapasok sa dressing room.

May 6 na highchair na occupied, kaya naman umupo muna ako para mag hintay. Kinuha ko  ang aking cellphone para basahin ang mga text message. Inuna ko munang basahin yung kay Tita, mama nila Devon. Tungkol lang naman kay Lolo leo at nag pasalamat siya sa akin, bigla ko tuloy siyang naalala. Sunod naman si Lyle, nag text tungkol sa realization na ibinigay ko sakanya. And tama ang aking hinala, mas pipiliin niya si Alex. Pagkatapos ay tinignan ko rin yung text nila Patricia, Florence, Kent and Jasper, nag-aya lang naman sila ng party, ang gumastos ay si Kent at talaga namang, nag send pa sila ng picture sa message na tuloy sila. Ako lang ang wala sa picture kaya inedit ito ni Jasper na kunyari kasama ako sa party nila. Nakaramdam ako ng tuwa dahil ngayon ko lang ito naramdaman na may umaalala at nagmamahal pa pala sa akin. Hindi ko inexpect na magiging kaibigan ang turing nila sa akin kahit hindi friendly ang trato ko sakanila. And last binuksan ko na ang messege ni Devon, sa una puro tanong kung bakit ba raw ako naglit sakaniya noong concern siya sa akin. Pero sa kalagitnaan, more on text niya is sharing ng kung ano-ano na kahit papaano may sense yung iba.

"I'm just worried about you, kaya ako naging concern sayo." Biglang kumunot ang noo ko sa text niya.

"MAVIS! WAAH!" Nagulat ako sa sigaw kaya naman itinago ko na agad ang aking cellphone. Lumapit sa akin si Patricia at niyakap ako ng mahigpit.

PROJECT VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon