~ Chapter Thirty-Five: CEBU TRIP DAY 4.3 ¿?~

2.9K 62 0
                                    

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay humiga na muna siya sa kaniyang kama. Wala na rin akong nagawa kundi mag stay na lang sa room niya. Umupo muna ako sa aking kama at kinuha ko ang aking cellphone. Nanahimik lang kaming dalawa at naisipan kong mag ayos na dahil 4pm na pala.

Pumunta ako sa cabinet na kung saan inilagay ni Devon yung bag ko para kumuha ng damit. Naisipan kong mag rashguard at cycling black na short. Pagkakuha ko ng aking susuotin, kinuha ko ang showerkit ko at dumeretcho na sa Cr para makapag ayos na.

Lumabas na ako sa Cr dahil tapos na akong mag ayos. Nakita kong nakahiga pa rin si Devon sa kama at halata na wala siyang balak sumama sa water activity. Hinayaan ko na lang siya at kinuha ko ang aking GoPro pati ang waterproof na lalagyanan ng cellphone na binigay sakin ni Edward noong nasa Oslob.

Nag ipit lang ako ng bun at sinuot ko ang aking water shoes na kulay black din. Kinuha ko na ang aking GoPro pati isinabit ko na sa aking leeg yung lalagyanan ng cellphone. Napatingin naman ako sa orasan at 4:35pm na pala at naisipan ko na lang na humabol sa kanila habang hindi pa nag didilim.

"Hindi mo manlang ako ginising." Rinig kong sabi ni Devon kaya naman napalingon ako sakaniya.

"Kala ko kasi wala kang balak sumali sa water activity. Kaya hindi kita ginulo sa pag tulog mo." Plain kong sabi sakaniya at binigyan niya lamang ako ng malamig na tingin sabay umalis na siya sa kaniyang kama. Kinuha niya ang damit na nasa kama niya pati ang towel at siya ay dumeretcho na sa Cr.

"Stay here and wait for me." Malamig niyang sabi bago siya pumasok sa Cr. Napangisi na lang ako at umalis pa rin ako dahil hindi ko siya kayang hintayin. Excited na akong mag water activity. Ayoko pa namang gabihin at baka hindi ko maexperience o hindi ko maenjoy sayang naman. Kaya naman binilisan kong pumunta roon para makasama ako sa water activity.

Nang nakarating ako sa sea side, agad ko silang nakita kaya naman pumunta agad ako sakanila.

"Hey Mavis! Tara sali ka samin sa banana boat." Aya sakin Jasper at tumango ako bilang sagot.

"Woah nandito ka na pala Mavis! Bakit ang tagal mo? Naka 2 na kaming water activity bale pang 3 na namin to." Kwento ni Florence sakin

"Jasper asan sila Chris at Haley? Bakit parang wala pa sila rito?" Tanong ko kay Jasper

"Hindi raw sila makakasali sa atin. Alam mo naman baka busy sa kung ano mang bagay. Hayaan mo na sila, masaya naman tayo kahit wala sila." Paliwanag ni Jasper at tumango tango na lang ako.

"Oh Mavis nandito ka na pala bakit ka naka RashGuard?! Nag expect pa naman akong mag two-two piece ka ngayon!" Sabi naman ni Patricia sakin na agad binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Mavis asan si Devon? Bakit hindi kayo magkasama?" Tanong sakin ni Alex

"Nauna na ako sakaniya." Plain kong sabi at tumango na lang si Alex.

"So guys let's go! Sakay na tayo sa banana boat. Omg excited na ako!" Sabi ni Patricia at agad kaming sumakay na sa banana boat.

Bale dalawang banana boat ang aming nagamit dahil tig 5 lang ang pwede sa isang banana boat.

Nang nakasakay na kaming lahat. Kami ay umandar na. Higit higit kami ng jetskie at hindi ko inexpect na mabilis ang pagpapatakbo ng operator kaya naman agad akong napakapit kay Patricia. Nasa dulo pa naman ako feeling ko malalaglag ako anytime sa sobrabg bilis.

Lahat kami ay tuwang tuwa habang nasa banana boat kami. Minsan nga ang lakas ng topak ng dalawang operator ng jetskie kasi pinagdidikit kami sa boat nila Lyle. Tas sila Kent ang lakas manulak para mahulog kami sa boat pati nag wiwisik ng tubig.

PROJECT VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon