~Chapter Thirty-Two: CEBU TRIP DAY 4 ×_×~

3.2K 64 3
                                    

"Hmm, Ms. Great Prender Huh? Alright, so Alex may iba ka bang game? Yung may Thrill ah!" Sabi ni Florence at napaisip naman si Alex.

"Actually, wala akong maisip na laro pero may nakita akong bar sa dulo. Yun nga lang, marami tayong tao na makakasalamuha doon. And saktong swim wear ang kanilang theme ngayong gabi. Don't worry yung mga tao dun ay naka check in dito sa hotel." Paliwanag ni Alex na ikinasiya nila Patricia.

Kayo na mga Walwal boys and Girls.

"Let's go Guys! Walang KJ! Minsan lang yun, tska malay niyo doon niyo pala mahahanap ang iyong mga poreber." Maligayang aya ni Patricia at nauna na silang dalawa ni Kent so wala naman kaming magawa kundi sumama na lamang. Tama nga naman si Patricia, minsan lang naman ito kaya i-enjoy na.

Habang nag lalakad kami sa seaside, ang mga lakad nila Patricia at Florence ay pagewang gewang kaya naman inalalayan na nila Kent at Lawrence.

"Okay lang ba sayo Rene ang pumunta ng bar?" Rinig kong sabi ni Lyle sa tabi ko

"Lagi akong nasa Bar noon. So you don't need worry Lyle." Sabi ko sakaniya at ngumiti lang ito sa akin.

"Ay oo nga pala hindi ka madaling malasing. So anong feel naman Rene na makabalik sa Bar?" Tanong ni Lyle sa akin at pinakaramdam ko muna ang aking sarili.

Nafeel ko na may excitement at joy kapag nakapasok nanaman ako sa Bar. Kasi ngayon papasok ako ng Bar na masaya at walang problema. Dati Bar ang aking madalas na tambayan para uminom at para makatakas sa problema.

"Excitement and Joy. Namiss ko na rin mag bar. Almost 1year na rin yun at namimiss na rin ako ng mga staff doon pati si Nathan." Kwento ko sakaniya at tumungo tungo ito sakin.

"Doon ka pala nag ba-bar kay Nathan. Kamusta na nga pala yun? Nagka-asawa na ba ang isang womanizer?" Agad naman akong napatawa sa sinabi ni Lyle.

"Actually broken siya noong una kong pumunta sa kanilang bar." Nagulat naman siya sa sinabi ko

"Aba ang womanizer nag seryoso. Baka naman matanda yung iniiyakan niya?" Natatawang sabi ni Lyle sa akin

"Hindi ko lang sure." Natatawang sabi ko sakaniya at tumawa rin siya sa sinabi ko.

Nag kwentuhan lang kami ni Lyle at pagkatapos biglang huminto kami sa isang 3 floor na building. Rinig na rinig sa labas ang tugtugin sa loob. Maraming taong nakatambay sa labas na nag uusap o nag iinom.

"So guys ito ang XoXo Bar. Isang sikat at mamahaling bar sa pilipinas dahil sa marasap nilang drinks and magandang service. Pag mamay ari ito ng Fedhai Corporation na naki share sa Hermosa at Mortus Company." Sabi ni Alex na agad napatingin sila sa akin pati kay Devon.

"And the manager is Nathan Fedhai?" Tanong ko kay Alex at kumunot ang noo nito sa akin.

"Mavis hindi porket kashare niyo ang Fedhai Corporation ay hindi mo na gagalangin si CEO Nathan Fedhai? Hindi siya Manager kundi siya ay CEO ng Fedhai." Maarteng sagot ni Alex sa akin at agad akong napangisi.

Damn you Nathan napaka humble mo talaga leche!

"Alright then, thanks to your Information Alex. Very nice information about CEO Nathan Fedhai." Magalang kong sabi sakaniya at inirapan lang ako nito.

Pumasok na kami sa Bar at ni-welcome naman kaming lahat ng mga staff doon. Pagkapasok namin sa loob ay bumungad samin ang maiingay, nakakasilaw na ilaw at maraming tao.

Sinundan lang namin si Alex at may nakita kaming reserved na upuan kaya naman doon umupo si Alex at tinanggal ang reserve na nakapatong sa table.

"Guys tara upo rito, don't worry naka reserve ito para sa atin. So tara na and enjoy the party." Masayang sabi ni Alex at umupo na kaming lahat sabay namang lumapit sa amin ang waiter at binigay naman nila ang kanilang order."

PROJECT VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon