~Chapter Twenty-Two: CEBU TRIP DAY 2.3 (ノ◕ヮ◕)ノ*:・゚✧~

3.3K 71 2
                                    

----

Sumakay na kami sa loob ng Van at pinaiwan naming nakabukas ang ilaw para may makita kami habang kumakain. Binuksan ko na yung styrofoam at nakita kong spaghetti ang laman nito na may fried chicken sa gilid. Kaagad akong kumain ng tahimik, samantalang sila ay nakikipag-daldalan at tawanan habang nakain. 

"Guys! 35 mnts lamang ang ating oras sa pag papahinga, kaya bilisan niyo munang kumain ngayon at itago niyo muna ang inyong pinagkainan. Pagkababa na lang natin iyan itatapon, huwag kayong magkalat dito dahil hanggang last day natin ay ito din ang gagamitin nating Van. Yung mga itra-transfer niyong mga pictures Mavis and Jasper ay gawin niyo na pagkatapos niyong kumain. Chris,Florence,Kent and Lawrence magpahinga muna kayo pagkatapos kumain. Bali 150 ulit ang inyong kukunsultahin at ang alam ko ay puro matatanda iyon. Naging successful tayo ngayon and i hope magpatuloy tuloy ang ating successful hanggang sa huli. Enjoy the roadtrip." pagkasabi ni Alex saamin, nagpatutog na ulitsiya ng Roadtrip songs.

Binilisan ko nang kumain. Nang natapos na akong kumain, inilagay ko muna ang aking pinagkainan sa ilalim ng aking ilalimat binuksan ko na ang aking tubig sabay ininom ko na iyon. Inubos ko ang laman at agad kong itinabi sa aking bag ang bottle.

Kinuha ko na ang aking laptop at binuksan ko na sabay binuksan ko na din ang lalagyanan ng memory card ng aking camera at agad iyong ininsert sa aking laptop. Sinimulan ko nang i-transfer ang mga pictures kaninsa sa folder ng Day 2. Pagkatapos ay agad kong ibinalik ulit ang memory card sa aking camera, sabay nag simula na akong mag edit ng kaunting pictures.    

Nang nag e-edit na ako, naalala ko nga pala yung Picture ni Lyle sa isang matanda na nakikipag kwentuhan at tawanan sakanya. Agad kong hinanap ang picture na iyon at sabay kinulbit ko si Lyle. 

"Yes Rene?" pagkasabi niya nito ay ngumiti saakin at napatingin sa aking Laptop. Nakita ko ang kanyang reaction na nagulat pero napaltan ito ng isang magandang ngiti.

"Woah, stalker na pala kita ngayon Rene. Pahinging copy niyan ang ganda ng kuha mo dyaan." sabi niya saakin at agad kinurot yung aking pisnge sabay ngimiti. 

"Trabaho kong kumuha ng Picture sa Project na ito, so don't assume na stalker ako saiyo. Gets?" agad naman siyang napatawa sa sinabi ko at ginulo yung buhok ko.

"Okay! Talo na ako sayo, pero pahinging copy ah" tumango na lamang ako sa sinabi niya at bumalik na ako sa pagka-edit ng mga ilang pictures.

Nang naalala ko nga pala yung sa report na ipapasa kong file sa Manila, agad kong hinanap yung file para dagdagan yung report ko for Day 2. Sinimulan ko nang dagdagan ang report ko na nangyari sa pangalawang Project for this Day 2.

"Guys! Nandito na tayo sa  Barangay Poblacion! Yung mga pinagkainan niyo please pakidala naman and humanap ng basurahan para itapon iyon doon. Mavis and Jasper dalhin ang dapat dahilhin and Chris, Florence, Kent and Lawrence please get ready yourself. I think dumami daw ang tao kahit gabi na, it's almost 7pm and kailangan niyong tapusin ang Project ng 9:30-10pm. I hope maging successful ulit tayo and pagkatapos ng ating Project for this day hahanap tayo ng kainan and after that pupunta tayo ng Starbucks dahil kay Mavis. Mavis 11pm lang daw yung pasahan ng File. Iyon lamang ang aking Announcement, Goodluck saating lahat. Kaya natin ito!" pagkasabi ni Alex ay nagsiayos na ang lahat ng kanilang dadalhin na gamot at yung iba naman ay nag-aayos ng kanilang sarili. 

Itinago ko na muna ang aking Laptop at inilagay ko na iyon sa aking Bag. Kinuha ko na ang pinagkainan ko sa ilalim at dinala na ito, Nang nakalabas na sila sa unahan, lumabas na kami nila Lyle sa Van at humanap na agad kami ng tapunan. Itinapon nanamin iyon at sumunod na kay Alex. 

Huminto kami sa isang Barangay, pumasok kami doon at nakita naming puro matatanda nga ang mga mapapakunsulta ngayon at kakaunti lamang ang mga bata. 

PROJECT VACATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon