Disclaimer: Credits to the owner of the pictures na ginamit ko sa cover photo at lahat ng ginamit ko sa story na ito. It's not mine, nakuha ko lang po sa Google. ÜInihahandog ko sa inyo...
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
Prologue
Four years into the future...
January 20 - Chua Residence
Masyadong tahimik ang bahay nila ngayon.
Dalawa lang ang dahilan kung bakit tumatahimik ang bahay nila; una, walang tao. Kapag nasa shop siya at nasa school si Eugene. Gabi naman umuuwi ang asawa niya kaya asahan na talaga na hindi tumatahimik ang mga gabi sa bahay na iyon.
Hobby na kasi nilang mag- asawa ang mag- away. Lahat ng bagay, maliit man o malaki, pinagtatalunan nila. Kumbaga, yun na yung lambingan nila. Bihira lang silang maglambingan na super landi talaga.
Naalala tuloy niya noong unang beses na naglambing ang asawa niya sa kanya, sinampal pa niya ito para siguraduhing ito nga ang asawa niya at hindi isang impostor.
Napangiti siya. Apat na taon na rin pala ang nakakalipas.
Hindi inaasahan ng lahat na magpapakasal sila ng asawa niya. Gigil na gigil (in a negative way) kasi talaga siya dito nung nabuntis siya nito. Pinaglilihian niya ito. Kulang na lang ay hampasin niya ito ng laptop sa mukha kapag binibisita siya nito sa bahay nila ng best friend niya.
Pero ang kapatid nito ang gustong- gusto niyang makita noon. Lagi niya itong niyayakap at inaamoy- amoy kahit galing ito sa practice.
Napatingin siya sa ibabaw ng coffee table nila sa sala.
Nakita niya ang picture ng anak niya na si Eugene Aevan Chua noong pumunta silang pamilya last year sa Italy para bisitahin ang Mama niya. 3 years old pa lang ito noon pero napakaindependent na.
"Mommy, can you please take a picture of me sa harap ng Eiffel Tower? I'm going to put it in my Around the World photo album." Sabi nito at ginawa ang favorite pose nito at ng daddy nito: Ang Cross My Arms Pose, nakahalukipkip ito at nakabukaka. Ngunit hindi katulad sa daddy nito na cool tignan, cute ang version nito.
Ayaw na ayaw nitong tinatawag na cute, cool daw dapat para katulad ng daddy nito.
Sandali, hindi dapat siya nagrereminisce dito.
Sabado ngayon kaya walang pasok si Eugene kaya narealize niya na yung pangalawa ang dahilan kung bakit tahimik ang bahay: may kalokohang ginagawa ang baby boy niya.
"Naku naman. 'Wag lang sana pakialaman nitong batang 'to ang mga manuscript ko." Dali- dali siyang umakyat papunta sa library.
Tingin sa kaliwa.
Tingin sa kanan.
Malinis ang library.
"Nasaan kaya yung batang 'yon?" naiinis na siya.
Nang mapadaan siya sa entertainment den nila sa dulo ng second floor, narinig niyang bukas ang TV.
Binuksan niya ang pinto at naroon nga ang anak niya na nakaupo sa sahig sa tapat ng TV at hindi sa couch at imbes na naglalaro ng mga video games nito ay nanunuod ito ng DVD.
"Eugene, baby, what are you watching? Kanina pa kita hinahanap." Binuhat niya ito at umupo siya sa sofa habang kandong ito.
Tinignan niya ang plasma TV.
BINABASA MO ANG
My First and Last
HumorHindi fan ng basketball si Regina Alcala pero isa lang ang sigurado siya, hindi pwedeng mag- agawan ang dalawang manlalaro sa bola. It's against the rules. Kaya hindi niya alam kung paano siya napasok sa sitwasyon sa gitna ng dalawang basketbolis...