3rd. Mama Ara

22 1 0
                                    


Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

3rd. Mama Ara

March 2 - Diamaville Subdivision

Dahan- dahang inakyat sa hagdanan ni Gin ang sandamukal niyang libro papunta sa second floor ng bahay nila ng best friend niyang si Lui.

Malaki ang bahay na niregalo sa kanila ng Mama niya ng tumuntong sila ng college. Corner lot ito kaya malaki ang bahay na naipagawa. Hindi niya akalain na maibibigay ito ng Mama niya dahil alam niyang hikahos ito sa pagpasok niya sa isang ekslusibong kolehiyo tulad ng University of St. Matthew the Apostle, paano pa kaya ang makabili ng dalawang milyon na house and lot? Sinabi naman nitong matagal na nitong napag- ipunan iyon.

Mag-isa lang ang Mama niya sa buhay. Bago pa daw manganak ang Mama niya sa kanya ay namatay na ang Papa niya dahil sa Leukemia kaya nabuhay na siyang kasama niya ito nang hindi naghahangad ng mataas sa kaya nitong ibigay sa kanya.

Sa ngayon ay nasa Italy ito at nagtratrabaho habang ine- enjoy ang pangarap nitong mamuhay sa tinaguriang "Romance Capital of the World".

Kailangan niyang mag- aral ng mabuti kung gusto niyang bumawi sa lahat ng binigay nito sa kanya.

Ngunit paano niya magagawa iyon kung puro na lang basketball, first love, at best friend niyang sintu- sinto ang inaatupag niya? Hindi porke't gra- graduate siyang Magna cum Laude ay magiging successful na siya sa buhay.

"Naku Luisiana Villareal, kung hindi lang talaga kita mahal ay matagal na kitang hinimay- himay para isahog sa pancit canton." bulong niya at pumasok sa kwarto niya.

Inilapag niya ang mahigit sa limang librong dala niya sa kanyang study table at kumuha ng maiinom sa kanyang mini- fridge.

Si Lui naman ang bahala sa mga bills kaya ok lang na kung anu- anong appliances ang bilhin niya.

Tumunog ang iPhone niya.

Loka- Lokang Sintu- Sinto calling...

Sinagot niya ito. "Hoy, Luisiana. Wala ka bang balak umuwi? Sabihin mo lang at ako na mismo ang magbabalot ng gamit mo."

Narinig niya ang pagkaluskos ng damit kaya alam niyang nagmamadali itong nagbibihis. "Gin, sorry. Nine o'clock na alam ko pero si Robbie kasi eh!- Hoy! Bilisan mo nga at magbihis ka na! Ihatid mo ako sa bahay!- Five minutes, promise. Andiyan na kami."

Kinuha niya ang stopwatch sa drawer ng study table niya.

"Oh sige. Five minutes. Kapag wala ka pa dito by 5 minutes- starting from... NOW!- ay say goodbye to Diamaville Subdivision at diyan ka na lang sa Greenshaw Suites kasama ang babe mo." Ini- start niya ang stopwatch.

"GIN NAMAN!!! WAIT LANG!!!" Parang may ginegera sa kabilang linya kaya alam niyang nabitawan nito ang iPhone nito.

Sumisigaw ito habang rinig na rinig niya ang kalmadong pagtawa ni Robbie.

After two minutes...

"Hello, Gin?" Si Robbie.

"Yup?"

"Nasa kotse na kami. Ilang minutes na lang?"

"Two minutes and twenty- eight seconds." sagot niya habang umiinom ng Fresh Milk.

"Shit." mura nito at pinaharurot ang sasakyan nito.

"Bilisan mo nga!" Kinailangan niyang ilayo sa tainga niya dahil sa makabasag eardrums nitong sigaw.

My First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon