Inihahandog ko sa inyo...*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
4th. One Favor
March 3 - Engineering Building, 5th Floor
Lunch na at mag-isa siyang naglalakad papunta sa Engineering Council room habang malalim ang iniisip.
Hanggang ngayon kasi hindi pa rin sinasagot ng Mama niya ang mga tawag niya.
Sandamukal na text message ang pinadala niya ngunit ni isa ay hindi nito nireplyan. Ang dami na niyang nasasayang na load para lang sa wala.
Pero hindi naman pwedeng pabayaan niya ang Mama niya na mag-isip ng ganoon. Kung ibang tao pa iyon, pwedeng-pwedeng hayaan na lang niya na ganoon ang iniisip nito, pero magulang niya ito. Ito ang nagpakahirap palakihin siya at ayaw niyang isipin nito na gumagawa siya ng katarantaduhan habang hirap na hirap itong nagtratrabaho.
"Regina!"
"Ay kabayo!" Muntik na siyang madapa sa pagsigaw na iyon.
Inangat niya ng ulo niya...
Si Andrew lang pala.
"Caps, ginulat mo naman ako." sambit niya dito at kinuha ang susi ng council room sa bag niya.
Ito na ang nagtulak sa pinto pabukas. "Pasensya na, hindi ko naman alam na lutang ka eh. Ayos ka lang?"
Nilapag niya ang mga folders na hawak niya sa conference table na nasa gitna ng room at tinungo ang whiteboard para isulat ang mga agenda para sa meeting mamaya.
"Ayos lang naman ako." sagot niya dito. "Bakit ka nga pala nandito? May kailangan ka?"
Umupo ito sa isa sa mga upuan doon at may kinuha sa bag nito. "Ang totoo niyan, tungkol ito sa laban bukas..."
Humarap siya dito. "Hindi ka makakapaglaro?! Bakit?! Anong nangyari?!"
Nagulat ito pero natawa rin ito sa bulalas niya. "Grabe ka naman, 'yon talaga yung naisip mo? Hindi ko palalagpasin itong last game na 'to kahit magkapilay pa ako."
Nagkibit- balikat siya. "Iyon naman talaga ang maiisip mo kung makikita mo yang mukha mo habang sinasabi 'yun. Pero anyways, ano nga 'yung tungkol sa laban bukas?"
"Uhm. Kasi ganito iyon..." Umubo ito at pinakita sa kanya ang hawak nitong envelope. "...tatlong tickets kasi ang binibigay sa bawat players, yung dalawa sa parents ko at wala naman akong kapatid kaya gusto ko sanang ibigay ito sa'yo."
Tinitigan niya ito ng matagal.
At bigla niyang naalala ang sinabi ni Charlie sa bar ilang araw na ang nakakaraan.
'You're so funny, Gin. Hindi na ako nagtataka na patay na patay sa'yo si Caps...'
Namumula ang tainga nito sa pagkakatitig niya na nagkumpirma sa iniisip niya pero maganda rin na tanungin na niya ito ng diretsahan.
"Andrew... may gusto ka ba sa'kin?"
Understatement kung sasabihin niyang nagulat ito dahil literal na lumaki ang mata nito at napanganga ito.
Hindi siya natinag sa pagtitig dito.
Kailangan niyang malaman mula mismo dito.
Nakabawi ito at umubo habang sinusukat siya ng tingin.
Naglakad ito at umupo sa table sa harap niya. Nakangiti ito sa kanya. "Oo, Regina. Gusto kita. Matagal na."
"Andrew..."
BINABASA MO ANG
My First and Last
HumorHindi fan ng basketball si Regina Alcala pero isa lang ang sigurado siya, hindi pwedeng mag- agawan ang dalawang manlalaro sa bola. It's against the rules. Kaya hindi niya alam kung paano siya napasok sa sitwasyon sa gitna ng dalawang basketbolis...