5th. THE Game

30 2 0
                                    


Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

5th. THE Game

March 4 - Eastern Archipelago Mall Coliseum (EAM Coliseum)

Manghang-mangha siya sa dami ng tao na nakapila ngayon dito. Hanggang sa ikalawang kanto mula sa mall na ngayon ang pila. Take note, one hour pa before ng game ah.

Bumaling siya kay Lui. "Buti na lang at VIP tayo kung hindi nakapila din tayo doon."

Matik nang binigyan ng ticket ni Robbie Rabbit ang babe nito kaya alam na nilang kapit tuko na naman silang dalawa.

Kilig na kilig naman ito ng lumabas siya sa kwarto niya kaninang umaga, bagay na bagay daw kasi sa kanya yung varsity jacket ni Andrew.

Pati daw yung apelyido nito bagay sa kanya.

Regine Alcala Dimaculangan. Ang haba.

Nakakatamad pakinggan.

Hindi niya napansin na may pangalan sa likod yung varsity jacket nito kaya nagdadalawang isip siyang suotin ito. Sineset up lang siguro siya nun ni Andrew. Lahat ng favor nito sa kanya ay sumisigaw na girlfriend siya nito.

Umayos ito dahil hindi siya magdadalawang isip na gupit-gupitin itong varsity jacket na 'to.
Pinagtitinginan sila ng mga tao dito. Si Lui naman kasi eh, sinuot yung isang jersey ni Robbie para raw may karamay siya.

Baka kung anong issue na naman ang magsimula, ang bilis pa naman ng balita ngayon. Sabi nga sa isang comedy TV show na napanood niya, 'Ang balita bukas, ngayon ang broadcast'. Captain pa naman si Andrew, madaming fans. Baka dumugin siya 'di lang sa personal pati sa social media.

"Nasaan na sila Tita?" Ang Mommy at Daddy ni Robbie ang tinutukoy niya.

"Nauna na sila kanina pa. Ayaw kasi ni Tito Gail sumabay sa maraming tao, baka daw kung mapano si Tita Elie." Sagot ni Lui sa kanya.

Napangiti siya. "Ang sweet talaga ng mag-asawang iyon, no? Super protective si Tito at napakamaalalahanin ni Tita. Anong nangyari sa boyfriend mo at naging baliw?"

"Gin naman eh." Pagpout nito sa kanya. "Bakit ba ayaw mong tanggapin na sweet ang babe ko? Medyo nakulangan lang siya sa intelligence department pero okay naman siya."

Chineck ng guard ang mga bag nila at dumiretso na sila sa courtside kung saan nakapwesto lahat ng pamilya ng mga manlalaro.

Buti na lang at maluwag ang hallway dito sa VIP area kaya kahit maglakad pang-Luneta sila ay ayos lang.

"Tanggap ko naman na sweet ang baby mo at akalain mong alam mo yung faults ng babe mo..." Umabrasiete ito sa kanya habang nakapout pa rin. "Ang point ko lang is 'wag niyong kalimutan yung mga responsibilities niyo. Sa sobrang pag-eenjoy niyo ay nakakalimutan niyo na lahat ng mga dapat niyong gawin: ang mag-aral at umuwi ng bahay on time."

Bumitiw ito sa kanya. "Grabe ka naman! Minsan lang ako umuwi ng late, no!"

Tumigil siya maglakad at humalukipkip. "Sige nga. Gaano kadalas ang minsan?"

"Taray. Ate Vi, ikaw ba yan?" Hirit nito.

Dumire-diretso na siya ng lakad. "Ewan ko sa'yong baliw ka. Maghanap ka ng kausap mo."

"Gin naman eeeeeh!"

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

"U- S- M- A! Go! Fight! Win! Beat them 'all!"

"D- Fight! V- Win! U-Conquer! Go, D- V- U!"

Halos mabingi siya sa pagchcheer ng mga tao sa loob ng arena. Malapit nang magsimula ang laro at halos lahat ng mga fans nagwawala na't gustong makita ang mga players.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon