Inihahandog ko sa inyo...*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
2nd. First Love
February 28 - USMA Cafeteria
"Best frieeeeeend... sorry na... patawarin mo na ako. Hindi na talaga ako uulit. Promise talaga. Cross my heart. Kahit mamatay pa si Robbie babe ko." Kulang na lang ay maglupasay si Lui sa kakamakaawa sa harap ng best friend niya, basang basa na ng luha ang mga pisngi nito pero hindi pa rin siya natitinag.
Narinig niyang tinapik ni Robbie si Lui. "Babe, andito ako oh. 'Wag mo namang sabihin yan baka magkatotoo. Mawawalan ka ng boyfriend na complete package. Gwapo na- "
Isang sampal ang sagot ng best friend niyang kulang- kulang sa boyfriend nitong mas kulang- kulang. "Oo, complete package ka. Gwapo na, gwapo pa! Buti na lang gumwapo ka at natutong magshoot ng bola kundi kawawa ka dito sa mundong ibabaw. Pwede ba? At saka bakit ka ba nandito sa USMA? Taga-DVU ka diba? Nangangapit- bahay ka pa! Kung hindi mo ako tutulungang mag- sorry dito sa baliw kong best friend, umalis ka na lang! Nasasayang yung eye drops ko eh!"
"Babe naman... namiss lang kita eh. Eto na nga. Tutulungan ka na nga eh." Nagpout si Robbie at lumuhod sa harap niya katabi si Lui. "Best friend ng babe ko na si Regina Alcala, patawarin mo na kami. Sa susunod, isasama ka na namin sa plano namin. Please?"
Nilipat niya ang tingin niya mula sa pagbabasa ng 'The Fault in our Stars' papunta sa dalawang ugok na nagmamakaawa nang nakaluhod sa harap niya.
Mukhang aso ang mga ito na naghihintay ng pagkain mula sa amo nila.
Kumibit- balikat na lang siya at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
"Ayan! Ikaw kasi eh! Okay na kasi ako kanina eh. Umalis ka nga diyan. Dun ka na sa mga babae mo, namimiss ka na nila." pagtataboy nito sa boyfriend nito.
Medyo tumahimik ng kaunti.
"Luisiana Villareal... gusto mo ba talagang pumunta ako sa kanila?" seryosong tanong ni Robbie habang tumatayo na.
Katahimikan ulit.
Masamang tinignan naman ito ni Lui at halos magbuga na ng apoy. "Subukan mo at nang putulin ko yang tweet tweet mo! Gusto mo?! Dun ka na nga lang sa mga Dukes! I- share mo yung game plan ng team mo!"
Nakita niyang ngumiti ang basketbolista, hinalikan ang girlfriend niya sa labi, bumulong ng "Love you" at naglakad na patungo sa lamesa ng Red Dukes sa cafeteria ng university nila.
Nang masigurado na nitong hindi na sila nakikita ni Robbie ay tumayo na ito at inayos ang uniform nito. Galit na tinitigan siya nito. "Oh ano? Masaya ka na? Nakita mo na kung ano ang lagi naming pinag- aawayan ng babe ko! Nakakainis ka! Muntik pa tuloy magalit si babe! Ang sama- sama mo!"
Tumawa siya at kumain ng Tomi na favorite na favorite niyang chichirya. "Nacurious lang ako kung ano ang pinag- aawayan ng magjowang ugok. Bawi ko na rin yan sa nangyari nung saturday."
"Bawi?! Regina! Tatlong araw mo na akong kinakatulong sa bahay! Ako ang naglilinis, nagluluto, naglalaba at nagpapakain at nagpapaligo sa dambuhala mong aso! Kulang pa ba yon?!" Padabog na umupo ito sa harap niya at akmang kukunin ang Tomi niya ng tignan niya ito ng masama.
Masira na ang pagkakaibigan nila, subukan lang nitong agawin ang Tomi niya.
Ang hirap kaya maghanap nito!
Kung saan- saan siya naghahanap nito. Kahit sa mga supermarket wala. Buti na lang at nakakita siya sa may tindahan 30 minutes away from their subdivision.
BINABASA MO ANG
My First and Last
HumorHindi fan ng basketball si Regina Alcala pero isa lang ang sigurado siya, hindi pwedeng mag- agawan ang dalawang manlalaro sa bola. It's against the rules. Kaya hindi niya alam kung paano siya napasok sa sitwasyon sa gitna ng dalawang basketbolis...