Inihahandog ko sa inyo...*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
1st. Practice Game
Four years earlier...
February 25 - St. James Sports Arena
"Go Aeric!!! Go Aeron!!! Fight! Fight! Fight!" sigaw ng best friend niyang si Luisiana Villareal habang nagtatatalon sa likod ng bench ng kuponan ng unang pangalang isinigaw niya.
Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao sa loob ng arena na iyon kung saan sila kasalukuyang nanonood ng basketball.
Paano ba naman itong kaibigan niya, hindi malaman kung sino ang susuportahan, si Aeric ba o si Aeron, kaya pareho nalang nitong sinisigaw ang pangalan ng mga ito.
Let me explain... ayon kay Lui (nickname ni Luisiana), kakaiba daw kung maituturing ang Collegiate Basketball Competition ngayong taon dahil ang dalawang anak ng beteranong basketbolista na si Gerald Chua, na MVP sa tatlong magkakasunod na CBC noong unang panahon at retired member ng isa sa pinakakilalalang team sa PBA, ay naglalaro sa magkaibang kuponan.
Nagkataon pa na ang dalawang kuponan na iyon ay maghaharap sa isang linggo sa game 5 kung saan malalaman na kung sino ang magiging kampeon sa score nilang 2-2.
"Gin!!! Na kay Aeric na yung bola!!! Go Aeriiiiiiiiiiiiic!" Labas na ang litid na tili ni Lui.
Tinignan niya ang court.
Tama ito, na kay Aeric Chua na yung bola at walang kaeffort effort na nilagpasan ang 3 player ng DVU na nagbabantay sa kanya. Boom! 2 points.
AERIC CHUA: Matangkad (6'2"), maputi, chinito, laging nakangiti kaya mukhang mabait. Pogi.
"Luisiana! Umupo ka nga. Nakakahiya ka. Kanina pa tayo tinitignan nung coach oh." Hinila niya ang puting t- shirt ng kaibigan niya na may nakatatak na GO CHUABROS!
Napilitang umupo ito sa tabi niya at sinimangutan siya. "Gin, 'wag ka ngang KJ. Kaya kita isinama dito ay para makakita ka naman ng mga guwapong lalaki at hindi ka nagkukulong sa kwarto mo na kung hindi ka basa ng basa ng libro ay nagsusulat ka. Malapit ka ng mabaliw, promise!"
Wala naman sa kanya ang mga pinagsasasabi nito, alam niyo kung bakit?
"Wala kang pakialam sa hobby ko. At FYI, nag- aaral ako ng mabuti simula monday hanggang friday. Stress reliever ko ang magsulat. Hindi ko kasalanang hindi mo naeenjoy ang pagbabasa, bobita ka kasi."
Yup, mas masakit kasi siyang magsalita.
"Stress reliever? Ang pagsigaw ng pangalan nila Aeric at Aeron ang stress reliever, hindi ang magmukmok sa kwarto! Ano ka ba naman? Mag- enjoy ka na lang! Sayang ang 1,000 ko!"
Panenermon nito sa kanya.
Naawa naman siya dito. Striktong 80 tickets lang ang binenta para sa practice na 'to at literal na dugo't pawis ang inalay ni Lui para makakuha lang nito.
Parehas namang silang napalingon sa court nang magsimulang magtilian ang mga tao.
Nasa isa sa Chua Brothers kasi ang bola at kasalukuyang tumatakbo ito sa kabilang parte ng court para mai- shoot ang bola.
At parang nanonood siya ng pelikula nang tumalon ito sa 2 points mark at slow motion na ini- shoot ang bola.
Wow.
Ang galing.
"AEROOOOOOOOON!!!!!" Mahina pa ang tili ng kaibigan niya sa sigaw ng mga tao sa paligid nila.
BINABASA MO ANG
My First and Last
HumorHindi fan ng basketball si Regina Alcala pero isa lang ang sigurado siya, hindi pwedeng mag- agawan ang dalawang manlalaro sa bola. It's against the rules. Kaya hindi niya alam kung paano siya napasok sa sitwasyon sa gitna ng dalawang basketbolis...