"Ely ! Andito na si Papa mo!" ... Eh? Si Papa?! O_____O
Tumakbo ako papunta kay mama para tignan kung andoon nga si Papa.
"Ma? Nasan na si Papa?" tanong ko kasi wala naman si Papa doon eh. Hayss -__-
"Hintayin mo naliligo lang yun." sagot naman ni Mama kaya tinignan ko kung may naliligo nga ba. Tinanaw ko lang yung pinto kung naka sara at bukas yung ilaw at totoo nga !!
Pumunta ako sa harap ng pintuan ng CR namin.
"Pa!! Papa !! Andyan ka ba?" sabay katok ko pa sa pintuan.
"Oh? Ely ! teka lang maliligo lang si Papa." sagot naman. So andito nga?! O______O
"Pa, Kelan ka pa dumating? Hindi mo 'man lang sinabi samin na uuwi ka na. O kaya sakin." kunwari ko pang pag tatampo. Kasi hindi ko naman alam na ngayon na pala yung dating ni Papa eh.
"Kaninang umaga lang. Teka matatapos na ako." sagot naman ni Papa. Kaninang umaga lang pala pero bakit hindi namin nalaman ng mas maaga ??
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kausap ni Mrs. Licuanan si Mr. Licuanan sa Telephone.
"Uuwi ka na bukas? Anong oras?" pagtatanong ni Mrs. Licuanan
[[Bukas ng umaga baka andyan na ako.]] sagot naman ni Mr. Licuanan na nasa kabilang linya.
"Susunduin ka pa ba namin bukas sa airport?" tanong ulit ni Mrs. Licuanan
[[Huwag na, hindi ko sure kung anong oras ako makakarating eh. Atsaka naka Private Plane kami. Kasabay ko yung boss ko.]] Para namang nag taka si Mrs. Licuanan sa sinabi ni Mr. Licuanan.
"Kasabay mo yung boss mo? Ano namang gagawin nyo dito at dito ka na lang ba?" tanong niya.
[[Ahh oo kasabay ko kasi may aasikasuhin yung boss ko dyan eh. Sumabay na ako. Tutal pinag bakasyon niya naman ako ng dalawang buwan eh.]] sagot ni Mr. Licuanan sa mga tinanong ni Mrs. Licuanan.
"Ahh ganoon ba. Edi mabuti. Sige ingat ka sa pag uwi mo ah." -- Mrs Licuanan
[[Sige pupunta na akong Airport. Bye]] pagpapaalam ni Mr. Licuanan
"Sige mag ingat kayo huh. Pati ikaw mag ingat ka." sabi naman ni Mrs. Licuanan
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Natapos ng maligo si Papa.
"Ely gusto mo punta tayo sa mall?" tanong niya saka ako tumingin kay Papa.
"Sige pa !! kelan pa yung huling punta ko sa mall eh. hehehe" Syempre gusto ko mag mall. Sa bagay wala naman akong gagawin kaya okay lang.
"Pa, bili tayo ng CD yung para sa karaoke." sabi ko kay papa
"Para saan naman?" tanong sakin ni Papa. sabay kamot pa sa ulo niya.
"Wala Pa, Gusto ko lang kumanta." sabay tayo ko at kanta ! \(^u^)/
♫♪ Hey Hey You You
I don't like your girlfriend
No way No way, I think you need a new one
Hey hey you you I could be your girlfriend ! ♫♪
"Oo na, Oo na" sabi ni Papa na parang napipilitan . -__-
"Tara na Pa, magbibihas lang po ako ah." saka ako tumakbo paakyat para mag bihis.
"Ano kayang susuotin ko?" parang may kausap ako kung makatanong eh >__<
"Aha! Heto na lang." Sabay kuha ko sa pantalon at shirt ko na may nakalagay na "Im a rockstar" color gray yun and then mag converse na lang ako. Okay na yun. Mala Avril Na rin naman eh ^__^
Bumaba na ako nung natapos akong magbihis.
"Pa, tara na po." aya ko kay papa with hand gesture pa.
"Oh sige tara na"
Lumabas na kami ni Papa at pumunta na kaming mall.
*Nasa mall na kami* (Ang bilis noh? hahaha XD)
Diretso agad kami sa record store ng mall.
"Pa, heto na lang." sabay binigay ko yung CD. Walang kanta ni Avril dun sa CD na yun pero ok lang. Trip ko lang naman kumanta eh atsaka isa dun yung favorite ko dati. ^___^
"Ahh sige tara na babayaran ko na to." sabi ni papa.
"Sige po Papa. Hintayin na lang po kita dito." sagot ko naman saka na umalis si Papa. Heto ako nangangalikot doon. Tingin tingin ng albums ng mga artist ^__^
May isang bagay talagang nag stand out eh ^__^
Goodbye Lullaby ni Avril Lavigne ♥
Weeeeeeeee.. Gusto ko nito. ^________^
Tumakbo ako papunta kay Papa at dala dala ko yung album ni Avril. Papabili ko kay Papa to. Hehe ^_____________^
"Pa, pwede bang bili mo ko nito?" sabay abot ko nung Album ni Avril
"Magkano ba?" tanong ni Papa.
Tinignan ko naman yung price nung album. May sticker na nakadikit. "Php 510" -____- bibilin kaya ni Papa to? 510 eh . -__-
"510 pesos." Simpleng sagot ko kay Papa.
"Naku! Wag na. Ang mahal naman niyan. Atsaka meron ka na naman nito eh. Saka ka na lang bumili niyan." sabi ni Papa sakin.
"Pa naman eh. Please ?? Isa lang naman eh. Atsaka kakarating mo lang tapos wala kang pasalubong sakin kaya ito na lang . Please?" nagmakaawa na ako kay Papa. Gustong gusto ko talagang magkaroon nung Album eh . >_____<
"Oh sige na nga. Pasalamat ka nalimutan kong magdala ng pasalubong." Yehey !!! ♥
"Yessss!!!!!!!! Bibilin mo na Pa?" paninigurado ko.. ^__^
"Oo na nga eh. Ayaw mo?" Sabi ko nga Pa bibilin mo eh ^_____________________^
"Thank You !!" sabay yakap ko kay Papa saka ko nagtatalon talon. Ewan ko pero tuwang tuwan talaga ako nung magkaroon ako nung album na Goodbye Lullaby. ^____^
Pagkatapos naming bumili. Uwi agad kami..
Kakatuwa. Parang gusto ko tuloy icollect lahat ng Albums ni Avril Lavigne \(^u^)/
BINABASA MO ANG
Dream Come True ♕ Avril Lavigne
Fanfiction"Is it true that dreams do come true?" ◆ 2013 ◆