May isang bagay na dumarating sa buhay ng tao na kaylangang harapin, kaylangan tanggapin at tiisin ang lungkot at sakit hanggang ikaw mismo ay maging manhid.
"Bakit ang sakit parin? " bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang mga larawan namin ni Drake sa isang album ko sa facebook.
Nandito ako sa kwarto nagkukulong, nakakatamad gumala sa labas. Mas maalala ko siya pag nasalabas ako, katulad kahapon sa starbucks. Mas mabuti na dito nlng ako, pero mas nalungkot ako pala lalo.
"Bakit ang hirap mong kalimutan? Sa kabila ng sakit, bakit umaasa parin ang puso ko? " sabi ko sabay pahid ng mga luha na tumulo na pala sa mga mata ko.
"Ang sakit *sob* s-subrang sakit, pero b-bakit Drake? B-bakit mo nagawa sakin to? " napaiyak na ako ng maalala ang araw na naging dahilan ng lahat, ang araw na nasaktan ako ng lubusan.
F L A S H B A C K
"Anak may problema kaba? " tanong sakin ni mommy habang kumakain kme ng dinner.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Po? Wala po my(mee) " sabi ko sabay subo .
"Are you sure? Napapansin nmin ng daddy mo na matamlay ka this past few days" alalang sabi ni mommy, napayuko nalng ako.
"May problema ba kayo ni Drake anak? " sabi naman ni daddy, minsan na nga lang umuwi dito si Dad, malungkot pa ako.
"W-wala po dad" ngiti kung sabi sa kanya. Hinawakan naman ni mommy yung kamay ko.
"I know anak, na may problema ka. May problema kayo. Mommy mo ako at nararamdaman ko, you can talk to me anak" sabi nya na naging dahilan ng pagngiti ko.
"No mom, okay lang po talaga ako. Napagod lng po siguro sa trabaho" pag dadahilan ko, ayaw ko ng dumagdag pa sa problema nina mommy at daddy lalo't ngayon na madaming competition yung bakery shop ni mom at kay dad naman yung kaibigan na pinagkatiwalaan ya sa companya niloko siya.
"Sge anak, kung hindi kapa handa. Maghihintay kame ng daddy mo kung kaylan mo sasabihin ang problema mo" ngumiti nalng ako bilang tugon, at nag simulang kumain muli.
F A S T F O R W A R D
One message received from:
Tita Agnes
Anak, si Drake ba nasa inyo? Hindi pa kasi siya umuuwi mag 9na, wala nman siya office nila.Napasingkit ang mga mata ko sa nabasa ko, nasan nga ba si Drake? Hindi niya ugaling umuwi ng gabe. At kahit isa ngayong araw wala parin akong natanggap ng text or tawag mula sa kanya.
To: Tita Agnes
Hindi ko po alam kung nasan siya tita, pero tatawagan ko lng po siya baka nasa kanila Mike siya ngayon.Ayaw kung mag alala si tita lalo't nagkasakit siya sa puso.
Tinawagan ko nlng si Mike dahil baka mag kasama sila ngayon.
Calling Mike ••••
"Hello?" Bungad niya
"Mike si Trisha to"
"Oh, bat ka napatawag?"
"Nandiyan ba si Drake? Hinahap siya kasi ni Tita" paliwanag ko.
"Ayy wala siya dito Trish, nandito na ako sa apartment kanina payon umuwi mga 6 na kasi kme naka labas sa office" paliwanag niya.
"Ay ganon ba, sge sasabihin ko kay tita"
"Tawagan mo nalang muna siya Trish, baka sakaling umuwi siya pagtinawagan mo. Ikaw kasi ang hinanap niya palagi"
Bumuntong hininga ako" sge tatawagan ko siya, salamat ulet. Bye"No choice, tatawagan ko nalang siya.
Calling My Babe Drake ♥
Bakit hindi niya sinasagot?
Callig My Babe Drake ♥
Still hindi niya parin sinasagot, "ano ba ito. Bakit ako kinakabahan" bulong ko nga hindi niya parin sinasagot ang mga tawag ko.Sinubukan kung tumawag ng paulit ulit umabot na siguro ng limang beses pero hindi niya parin sinasagot at kinakabahan na ako, hindi pa ito nangyari sa loob ng 5yrs namin kahit mag kaaway kme sinasagot niya ito.
Calling unknown number ••••
"Sino kaya to? " tanong ko, bumuntong hininga ako bago isagot ang tawag."Hello? " panimula ko, may mga naririnig akung ingay sa kabilang linya. Pero hindi ko ma intendihan
"Hello? " tanong ko ulet, medyo na iinis na ako ha.
"Hi my dear Trisha" mapang akit niyang sabi, babae to. Sino kaya at pano niya nakuha yung number ko.
"Sino ka? San mo nakuha yung number ko? " matabang kung sabi, medyo nawala na yung ingay.
"Hindi na importante yon, kung hindi man sinasagot ni Drake ang mga tawag niya. Sorry ka nalng busy siya kasi ngayon" bigla naman sang tumawa na kinainisan ko.
"Sino kaba talaga ha?! "
"Hindi na importante yon, kung gusto mong puntahan si Drake nandito siya sakin puntahan mo nalng" binaba niya agad yung phone at natanggap ko din bigla ang text niya kung nasan ngayon si Drake.Hindi ko alam kung pupunta ba ako, baka kasi prank lang ito. Pero meron sa part ng utak ko na nag sasabing puntahan ko.
"Nasan kaba kasi Drake? Pinapaalala mo naman ako" bigla akung tumayo at lumabas ng bahay At sumakay sa sasakyan ko, mabuti nlng at tulog na sila mom at dad.
Habang papunta ako sa lugar na sinasabi ng babae, tinatawagan ko parin si Drake baka sakaling sagutin niya pero nadismaya lng ako dahil hindi niya parin sinasagot.
"Drake naman eh! " subrang inis na talaga ako.
Nakarating ako sa lugar na sinabi, isang maliit na bahay lamang ito.
"Tao po" tawag ko, pero wala sumasagot kaya pumasok nlng ako.
Habang nasa loob ako tinitingnan ko ang paligid, wala namn dito si Drake?
May narinig akong kunting ingay sa loob nga isang kwarto na nasa gilid lamang nga sala medyo bukas yung pinto.
T-teka bat parang sinasadya ang mga nakikita ko dito? Isip ko
Pag bukas ko ng pinto, laking gulat ako sa aking nakita. Napatakip ako sa aking bibig habang ang aking mga luha ay hindi ko na mapigilan. Subrang sakit, subrang sakit ang nakita ko.
"W-walang h-hiya kayo!!! " sigaw ko, at bigla naman nagising si Drake at ang kasama niyang babae si
Annabell
"T-trisha?! " gulat na gulat na sabi niya nong nakita ako, bigla siyang tumingin sa katabi niya na masarap parin ang tulog at nakayakap sa kanya, ang ladi talaga ng bitch nato.
"W-what the?!! " biglang siyang tumayo na naging dahilan ng pagka gising ni annabell. "Bakit ba mahal? " mahina niyang sabi, bigla siyang tumangin sakin at ngumiti ng nakakaloko.
"Oww, nandito ka pala Trish. Hindi ka naman nag pasabi na pupunta ka, ayan tuloy na abutan mo kme ni Drake na natutulog"mapang asar niyang sabi. Na naging dahilan ng pag init nga ulo ko at sinugod ko siya.
"WALANG HIYA KA! MALANDI KANG BABAE KA!!! "paulit ulit kung sabi habang sinasabunot siya, hindi niya na kayang manglaban sakin dahil sinugorado ko na ang bawat sabunot ko ay subrang sakit.
*slap*
*slap*
Hindi pa ako kuntento kaya pinagsasampal ko siya,sigaw lng siya ng sigaw sa sakit na nadarama niya habang si Drake inaawat ako.
*slap*
Isang napakalakas na sampal ang huling kung binigay sa kanya at tumayo at inayos ang sarili ko, habang masamang naka tingin sa kanya at hingal na hingal.
si Drake naman nasa likuran ko hawak ang isa kung braso.
"Tama na babe" bulong ni Drake, tinakwil ko ang kamay nga na naka hawak at tumingin sa kanya ng may Galit.
"B-babe? E gago ka pala eh!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya at lumayo ako at pumunta sa pintuan para lumabas at umalis na sa lugar na to dahil hindi ko na kaya ang sakit at galit na nadarama ko.
"MAG SAMA KAYO MGA WALANG HIYA!" at sinarado ko ng napakalas ang pinto at lumabas.
BINABASA MO ANG
Memories Sa Facebook (ON GOING)
Novela JuvenilA typical story of a girl who trying to move on. But how on earth she can move on, if the Facebook Memories trying to block her plan? Charooott hahahaha ewan anong magandang description sa story na to 😂