b

6.4K 31 0
                                    

Matangos ang kanyang ilong, maganda ang kanyang mga chinitong matang nakakabihag sa isang tingin lang at manipis ang mga mapupulang labi nito. Tila ba siya ay iyong mga nakikita niyang mga larawang nasa harap ng mga pocket book na hinihiram niya sa kanilang kapitbahay na si Aling Lydia noon. Kaya heto na naman siya ngayon, nakaupo sa bleacher at nakatanghod sa mga naglalaro ng basketbol sa isang court.

"Shoot mo yan para sa akin Vince!" Tili niyang may kasama pang talon na tila nanalo sa Lotto.

Bilang sagot naman ay tumingin ito sa kanya at kumindat pa. Marahan nitong pinatalbog ang bola, bumalanse, at saka inihagis ang bola. Tila naman may gumiya dito at walang sablay na pumasok sa ring. Panalo ang kupunan nina Vince kaya naman ay tuwang-tuwa si Andre sa kanyang kinanatayuan.

Mga Munting Paru-Paro | Rated SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon