Nadatnan nila ang ate nitong nag-aayos ng mga notebooks sa salas pagpasok nila ng bahay. Ngumiti naman ito at nagpaalam na na papasok ng kuwarto at sila nama'y naiwan. Pinaikutan nila ang lamesita habang ang iba'y nakaupo sa sahig dahil hindi na sila nagkasya sa sofa. Siya, si Vince, at si Bert ang nasa sahig. Siyempre magkatabi sila ni Vince at nakaakbay ulit ito sa kanya. Buti naman nakapunas na ito at nakabihis na ng damit. Amoy na amoy niya ang sabong ginamit niton kanina. Safeguard white.
Wala ang mga magulang nito sa bahay at tanging sila lang daw ng ate niya ang naiwan doon. Sabado naman bukas, walang pasok. Umalis daw kasi ang mama at papa niya dahil may bibisitahing kamag-anak.
BINABASA MO ANG
Mga Munting Paru-Paro | Rated SPG
Short StoryTAGALOG: Napakaikling kwento tungkol sa pagkakagusto sa kaparehong kasarian. BxB PARA LAMANG PO SA TAONG NAKAKAUNAWA AT NAKAKINTINDI NG MGA GANITONG URI NG DAMDAMIN AT PAKIKIPAGRELASYON.