g

2.8K 18 0
                                    

Ilang ikot pa lang ng baso sa kanilang anim ay ramdam na niya ang pagkahilo. Paano kasi ay hindi pa siya sanay uminon. At tiyak niyang pagagallitan siya ng mama at papa niya kung uuwi siya sa bahay nila ngayong gabi. Ayaw na ayaw pa naman ng mga itong umiinon siya. Bata pa daw kasi siya at hindi pa pupuwede. Makikiusap nalang siguro siya kay Vince na dito nalang sa sala siya matutulog mamaya para iwas gulo sa bahay nila.

Nangalahati na ang bote ng alak pati ang pitsel ng juice ay ayaw pa ring tumigil ng mga kasabayan niya. Si Vince naman ay panay ang pisil sa kanyang balikat. At sa tuwing nililingon niya ito'y panay kindat at ngiti lang ito sa kanya. Puro pass na siya kapag umaabot na sa kanya ang baso at sinasalo naman siya ni Vince.

Mga Munting Paru-Paro | Rated SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon