d

4K 23 0
                                    

"OO naman! Ikaw yata ang idol ko!" Sagot ni Andre na inaabot nito ang isang malamig pang mineral water. Kakabili lang niya n'on. Para lang talaga ito sa idolo niyang si Vince Madrigal. Babalatan niya ng buhay kung sunuman ang uminom nito maliban kay Vince.

"Naku! Nag-abala ka pa. Salamat ha. Kaya ikaw ang paborito kong fan eh." Saad nitong inakbayan pa siya. MArami itong mga tagahangang babae pero mas malapit sila sa isa't isa. Magkakaklase at magkasamang pumapasok at umuuwi kasi silang dalawa araw-araw. Alam nitong malamya siya kung kumilos at binabae, pero hindi nito inaalintana ang kaibahan niya.,

Basa man ito sa pawis ay okey lang kay Andre. Ang ginawa nitong pag-akbay sa kanya ay tila kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan at gumising sa mga natutulog niyang mga pagnanais at pagnanasa. Bumilis ang pulso at kabog ng puso niya, tila ba nasa ulap siya, at tila baga silang dalawa lang ang tao sa mundo sa mga sandaling iyon. Ganoon ang pakiramdam ni Andre sa bawat inaakbayan siya ni Vince.

Mga Munting Paru-Paro | Rated SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon