Chapter 1

357 7 1
                                    

Papunta na sa school si Jane na may ngiti sa kanyang mga labi at malamang iyon ay dahil makikita na niya ulit ang taong crush na crush niya, si Hero.

***FLASHBACK***

SA SCHOOL…

“ELLA! ELLA! ELLA!” tawag ni Jane kay Ella. “Ibalik mo na nga sa akin ‘yan! Nakakainis ka na  ah!”

Kinuha kasi ni Ella yung notebook ni  Jane kung saan nakasulat doon ang pangalan ng crush niya. Si Ella naman ay patuloy pa ring tumatakbo dala-dala and notebook ni  Jane. Ayun naghabulan sila.

“IBALIK MO SA AKIN IYAN SABI EH!!!” sigaw ni Jane.

Hindi namalayan ni Jane ang bato sa dinadaanan, I mean tinatakbuhan niya kaya ayun napatid siya doon at nadapa na halos masubsob and mukha niya sa lupa.

“Aray!!”

Pinagtawanan naman siya ng mga ibang nakakita sa kanya doon.  Nagulat naman siya ng may tumulong sa kanyang bumangon. Hindi iyon si Ella kundi isang lalaking guwapo.

Napatulala naman si Jane sa lalaking kaharap niya ngayon .

“OK ka lang ba? Sa susunod kasi tignan mo ang dinadaanan mo”, sabi nung lalaki at saka na umalis pagkatapos niyang tulungan si Jane.

“Ayos ka lang ba ha? May masakit ba?”, tanong ni Ella pero si Jane ay nakatulala lang sa papaalis na lalaki.

“HUY!!”, sigaw ni Ella.

“Ay palaka kang tiyanak ka!!”, si Jane. “ Bakit ka ba nanggugulat ha?”

“ Tinatanong kita kanina eh pero parang nasa kabilang planeta yang isip mo”

“Ella, kilala mo ba kung sino yung lalaking yun?”, tanong ni Jane sabay turo dun sa lalaki.

“Ahh…yun ba? Naku gwapo noh? Yan si Hero, Mark Hero Ocampo. Ang  pamilya lang naman nila ang may ari ng school na ito at siya din ang kilalang hearthrob dito sa school natin”, sagot ni Ella. “Uyy ha!...si Vince pala crush mo noh?!”

“Hindi na yan ang crush ko noh! Simula ngayon si Hero na! Kaya bahala kana diyan. Naiinis pa rin ako sa iyo!” sabi ni Jane.

“Hay naku, ito naman! Sorry na please?” sabi ni Ella with matching puppy eyes.

“Hmp…Kainis ka!Bakit ba hindi kita matiis?” sabi ni Jane at saka sila naghug. “Tara na nga”.

“ Nandyan na Hero!”

“Heh! Tumigil ka”

“Hahaha”

'So Hero pala pangalan nya? Waahhh!!! Ang gwapo nya!!Crush ko na siya!!!' sabi ni Jane sa sarili niya.

 Unang pagkakita palang ni Jane kay Hero ay nabighani na siya sa kagwapuhang taglay nito at simula noon naging crush na niya ito at lagi niyang hinihintay dumating si Hero sa school nila upang bumati  ng “Good Morning”  kagaya ng karamihan sa mga kababaihang estudyante sa school nila.

***END OF FLASHBACK***

Heto na nga at malapit na si Jane sa school.

Pagkarating niya sa may gate ng school, mayroon na ngang mga babaeng estudyante doon na malamang ay hihintay din si Hero. May kanya-kanya silang dala ng mga regalo o mga bagay na ibibigay nila kay Hero.Pahuhuli ba naman si Jane pagdating dyan? Syempre mayroon din siya noh!

May dala siyang isang box ng cookies.

>>>**JANE'S POV**<<<

Hayy naku! Dapat talaga dinalian ko na ang pagpunta ko dito eh. 'Yan tuloy ang dami na ngang tao.

"KKYYAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!!!!!" sigaw ng mga kababaihan " NANDYAN NA SI PRINCE CHARMING!!!"

Dali-dali naman nilang sinalubong si Hero at siyempre isa na ako sa kanila.haha ^__^

Dali-dali din akong pumunta sa harapan. Siko dito siko doon. Ayan! Nasa harap na ako! Yipee!!

Bumukas ang pinto ng isang napakagarang kotse at lumabas ang isang napakagwapong nilalang.

Sino pa nga ba? Edi si Hero, the love of my life.  Hehe ang  korny.

 Mas lalo namang lumakas ang  tilian ng mga babae dito.

Echoseras!!  Akin lang si Hero noh!!

At ayun na nga at inabot na namin ang mga regalo namin kay Hero.

Huh? Ano yun? Hindi niya man lang kami pinansin? Patuloy lang kasi siya sa paglakad . Tuloy, hindi niya nakuha itong cookies ko para sa kanya. Pero ok lang yun at least NAKITA KO NANAMAN SIYA!!

Pagkatapos nun, dumiretso na ako sa classroom namin at dali-dali ko namang pinuntahan si Ella. Wala pa naman si Ma'am eh.

"Hi Ella!", bati ko sa kanya.

"Hi din. Oh, mukhang masaya ka nanaman ah? Nakita mo ulit siya noh?",tanong niya.

"Waahh!! OO naman! Kaya lang hindi niya naman kinuha yung gift ko eh pero okay lang kasi nakita ko ulit siya. Hehe" sabi ko at pagkatapos nun dumating na si Ma'am.

Discuss, Discuss, Discuss!!

 >>Fast Forward

KRIIINNNGGG!!!!

Hay salamat naman at recess na.

"Oh? Halina sa canteen?" pagyayaya  ni Ella.

"Tara!" sabi ko.

Bibili lang ako ngayon ng juice, may sandwich naman ako sa bag ko eh.

Pagkatapos naming bumili...

"Tara balik na tayo sa classroom?", si Ella.

"Tara"

LAKAD. LAKAD. LAKAD.

"Jane, siya nga pala, heto yung picture nung kapatid ko, si Ellaine" sabi ni Ella sabay pakita ng picture  sa akin. Tinignan ko naman  yung picture sa kamay ni Ella habang naglalakad kami papunta ng classroom.

"Wow! Ang cute cute naman ng kapa---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil napatid ako sa kahoy na nakaharang sa dinadaanan namin. Kasi naman eh, bakit ba hindi nila tinatabi ito? at ang masaklap pa ay may nabuhusan ako ng juice na dala-dala ko.

Pagtingin ko sa nabuhusan ko ng juice...

-

-

-

-

OMG!!!!

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

- si HERO?????

WwaaaAaahHHHHHH!!!!!!!

***AUTHOR'S NOTE***

Hayy salamat at nakapag-update na rin ng CHAPTER 1.

How's the chapter?? hehe

Si Jane nga po pala ang nasa picture sa bandang right. ^__^

pls. vote :)

pls. comment :)

pls. become a fan :)

My Crush, My Fiance?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon