"Tonyo?" banggit nung lalaki
"Teka, Harold?" tanong ni Mang Tonyo sa papalapit na lalaki.
"Teka, ikaw nga ba si Tonyo?" tanong ulit nung lalaki.
"Ako nga"
"Teka nga! Bakit ba teka tayo ng teka dito ha?" singit ni Aling Martha.
"Bakit nga ba? Hehe. Kumusta na? Long time no see" sabi ni Harold.
"Heto medyo hirap sa paghahanap-buhay" sabi ni Mang Tonyo.
"Ikaw Harold? Mukhang big time ka na ngayon ah? Ang gara kasi ng kotse mo" sabi ni Aling Martha.
Bago pa makasagot si Harold ay dumating yung may ari ng inuupahan nila at sinabing...
"Oh, Mr. Ocampo! Nandito na pala kayo? Ano, okay ba itong puwesto?"
"Okay na 'to"
" Te-teka, ikaw ba ang bumili nitong inuupahan namin?" tanong ni Aling Martha.
"Oo. May gagawin kasi kaming project dito eh. Pero hindi ko alam na kayo pala ang nangungupahan dito"
"Mr. Ocampo? Pwede na ba tayong mag-usap tungkol sa pagbayad ng pwesto?" tanong nung may-ari.
"Sure"
Lumabas na sila at nag-usap.
"So, si Harold naman pala ang nakabili nito?" tanong ni Aling Martha.
"Oo"
Matalik na magkaibigan sina Harold at Tonyo. Elementary pa lang mag-bestfriend na sila. Hanggang sa matapos na sila ng High School at napagdesisyonan ng magulang ni Harold na sa states na lang siya mag-collage. At ayun na nga at nagpaalam na sila sa isa't isa. At ngayon, makalipas ang maraming taon, bumalik na si Harold sa Pilipinas.
Makalipas ang ilang minuto, umuwi na si Aling Martha at nagtinda naman si Mang Tonyo.
Nang bandang hapon na at magsasara na si Mang Tonyo ng shop, bumalik doon si Mr. Ocampo.
"Oh, Harold" sabi ni Mang Tonyo.
"So lilipat na kayo bukas ng shop?" tanong ni Mang Tonyo.
" Maghahanap pa lang kami. Talaga bang hanggang bukas na lang ang maibibigay nyo sa amin?"
"Oo eh. Nagmamadali din kasi yung client namin"
"Ganoon ba?" tanong ni Mang Tonyo " Gusto mo bang bumisita muna sa bahay? Matagal-tagal din tayong hindi nagkita. Panigurado marami tayong pag-uusapan. Haha. Dun ka na rin mag-dinner"
"Sure. Tara na sa kotse? Pero bago tayo pumunta ng bahay niyo, bili na muna tayo ng kahit ano lang dyan bilang pasalubong. Ituro mo na lang kung saan ang bahay niyo sa driver pagkatapos"
***SCHOOL***
***JANE'S POV***
"Hayy...salamat at natapos rin ang test" sabi ko.
"Oh ano? Kumusta sayo yung test?" tanong sa akin ni Ella.
"Ok lang. Easy."
"Wushu~ Easy easy ha?"
Nag-smile na lang ako.
Uwian na namin ngayon.
BINABASA MO ANG
My Crush, My Fiance?!!
Ficção AdolescenteSi Jane ay super dooper crush si Hero, ang campus hearthrob. Balewala lang kay Hero si Jane dahil may nagmamay-ari na ng kanyang puso. Isang araw nalaman nalang ni Jane na may fiance na pala siya at hindi niya ito kilala. Hanggang sa ipakilala na sa...