Chapter 5

224 3 0
                                    

Ano yun? Sino yung sumigaw?

Dinilat ko ang mga mata ko.

"ATE DALIAN MO AT MALE-LATE KA NA!!" 

Aish! Panaginip lang pala yun? Akala ko totoo na eh. Na si Hero ang groom ko.

Sana nga siya na lang!!

Umupo ako sa pagkakahiga ko.

Pero bakit naman kaya ako magkakaroon ng ganung klaseng panaginip? Si Hero groom ko?

Sana nga oo pero imposible eh.

Grabe, sana totoo na lang yung panaginip kong iyon.

Kasi eh, may umistorbo! tsk!

"ATE!! DALIAN MO!!"

"OO NA PO!!"

Yung kapatid ko naman parang mas matanda pa sa akin.

Hayy,, nag-isip-isip muna ako sandali.

Paano kaya kung natuloy yun? Na siya ang groom ko? at blah blah blah...

Pagkatapos ng madamdaming pag-iisip na iyon (chos) ginawa ko na ang mga dapat kong gawin.

Maligo, magtoothbrush, at kung anu-ano pa.

At nung ready na ako, pumunta na ako sa kusina at umupo sa mesa at naroon na sina Mama, Papa at James. Umupo na ako.

Nagsimula na akong kumain.

Atmosphere?

A-W-K-W-A-R-D!

Walang nagsasalita sa amin.

.

.

.

.

Hanggang sa...

" Anak yung tungkol sa kagabi, pag-isipan mo munang mabuti" sabi ni papa na nakabasag ng katahimikan.

Hayy,, sa tuwing naaalala ko iyon parang nagiguilty ako sa inasal ko sa harap nila.

"Para din yun sa iyo anak. Mas magiging maganda ang kinabukasan mo kapag nagpakasal ka sa kanya" sabi naman ni Mama.

"Ma, Pa. Pasensya na po kagabi ha? Yung... alam niyo na, yung inasal ko. Nabigla lang naman po ako eh" sabi ko. "Tsaka I'll think about it na lang po" 

Pero bago pa sila magsimulang magsalita, naunahan na sila ng kapatid ko.

"Ate, dalian mo na! Late ka na oh!"

Ayy,, oo nga pala.

" Sige po Ma, Pa, alis na po ako."

"Sige anak, ingat ka!" sabi ni Mama.

At ayun, pumunta na akong school.

Pagkarating ko ng school, anong una kong ginawa?

Syempre binatian ko ng matamis na "Magandang Umaga" ang aking Prince.

After nun, pumasok na ako sa classroom ko at siyempre nakipagkwentuhan muna kay Ella. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa planong pagpapakasal na ewan ng mga magulang ko sa akin at sa anak ni Tito Harold.

Itsura niya?

O_O

"HUWAT!!??" 

Tumingin naman sa direksyon namin ang mga classmates namin. Tapos nag-sorry nalang ako. Tapos ayun inalis na nila ang tingin nila sa amin. 

"Anong sabi mo girl?"  tanong niya.

My Crush, My Fiance?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon