Chapter 2

242 4 1
                                        

***Hero's POV***

 Kadarating ko lang dito sa school.

As usual, naka-abang nanaman ang mga estudyanteng babae dito sa school at nag-aabot ng kung anu-ano.

Kung minsan din, naiirita na rin ako.

Heto ako ngayon at papunta na ng room ko nang tumunog ang cellphone ko na nagpasaya sa akin nang nakita ko ang Caller's Name.

Si Lindy.

Sinagot ko ang tawag niya...

"Hello. Kumusta ka na? I really miss you", sabi ko.

"Ok lang naman ako dito. Minsan lang medyo pagod. Ikaw, kumusta?"

"Ok lang din naman ako"

"By the way, kaya pala ako napatawag, kasi tomorrow babalik na ako dyan sa Pilipinas"

Teka, Babalik na siya? 

"Talaga? Sunduin na kita sa airport!"

"Naku huwag na. Baka mapagod ka lang."

"Ok. Sige. But call me once you arrive okay?"

"Sure. I will"

"Okay. I Love You!"

"I Love you too...oopps gotta go. Hinihintay na ako. Sige, Bye!"

Tooottooottoott...

Grabe...after 2 years, babalik na siya ng pilipinas.

I really miss her.

Umalis siya noon sa Pilipinas at pumunta ng New York para magtrabaho bilang isang model.

Hindi tumagal ay sumikat siya at kasabay noon ay pagkabusy niya kaya mula noon madalang nalang kaming nakakapag-usap.

Plano ko sana noong sundan siya doon kaso hindi ako pinayagan ni papa.

Kaya ngayon na babalik na siya, hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataon.

I really can't wait for tomorrow.

Nagsimula na ang klase at hindi nagtagal ay recess na namin.

Pinuntahan ko ang dalawa kong kaibigan.

Sina Mike at Xian.

Bestfriend ko na ang dalawang yun since elementary.

"Hey, Bro!", bati ko.

" Ui...good mood ka yata?!", sabi ni Mike.

"Oo...darating kasi bukas si Lindy"

"Wow! Good for you. Tara at punta tayo sa canteen medyo nagugutom ako eh", sabi ni Xian.

Habang naglalakad kami at nagkekwentuhan lagi nalang akong napapangiti.

Basta ewan ko ba...ang saya-saya ko ngayon.

Naglalakad lang kami papuntang canteen habang ako, patuloy pa rin sa pag-ngiti.

Haha. Parang ewan lang no?

Nang biglang...

AISssH!!!!

Ano ba naman 'to?

Anong nangyari?

Nabuhusan lang naman ako ng juice.

Tinignan ko ang babaeng nakabuhos sa akin ng juice.

Huh? Ano ba yan namilog ang mata?

 Tsk. Sino ba naman ang hindi?

My Crush, My Fiance?!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon