"ANO?! MA! PA! AYOKO HO!"
"Pe-pero anak, para sa iyo rin naman ito. Para sa kinabukasan mo. Tsaka isa pa napagkasunduan na namin iyon. Kaya kaylangan mong ma-engage sa kanya at magpapakasal kayo balang araw " sabi ni Papa.
"At heto siya oh. Gwapo naman siya. Panigurado naman na magugustuhan mo siya" sabi ni Mama sabay abot sa akin ng picture pero itinabig ko at saka na tumayo.
Wala akong pakielam dyan.
Wala akong balak tignan yung picture nung lalaking yun, o kung sino man yun.
"WALA HO AKONG PAKIALAM KUNG GWAPO MAN SIYA O HINDI! BASTA AYOKO! AYOKO! AYOKO!" sabi..oopps..sigaw ko at saka na ako dumiretso sa kwarto ko.
Okay. Alam kong mali ang ginawa ko.
Ang sigawan ko sila.
Pasensya naman.
Nadala lang ng emosyon at dahil na rin sa pagkabigla.
Grabe! Hindi ko talaga sila maintindihan.
Ano bang pumasok sa kanila at naisipan nila yung bagay na yun.
Hindi pa naman ito ang tamang oras para dun eh.
Tsaka...napagkasunduan daw?
Edi sila nalang ang magpakasal.
Hayyy..
Humiga ako sa kama ko.
Pano nalang mga pangarap ko kasama si Hero?
Mga panaginip ko na siya ang kasama?
Na kami magkakatuluyan?
![](https://img.wattpad.com/cover/1191243-288-k47481.jpg)
BINABASA MO ANG
My Crush, My Fiance?!!
Teen FictionSi Jane ay super dooper crush si Hero, ang campus hearthrob. Balewala lang kay Hero si Jane dahil may nagmamay-ari na ng kanyang puso. Isang araw nalaman nalang ni Jane na may fiance na pala siya at hindi niya ito kilala. Hanggang sa ipakilala na sa...