National Book Week 2016

9 0 0
                                    


Nakakainip,nakaka-antok,panget at kung anu-ano pang negatibong komento o kaya ay panguri—Aminin man natin o hindi,iyang mga salitang iyan ay iilan lamang sa mga una nating maiiisip kapag nakikita o nakakarinig tayo ng salitang 'libro' .Masakit isipin lalo na ngayon,sa mundong ating ginagalawan ngayon na teknolohiya na ang nagpapatakbo.Nakakalimutan na natin ang mga aklat na siyang isa sa mga pangunahing sandata natin upang makamit ang kaalaman.Hindi lamang sa isang asignatura maging sa pagpapalawak ng ating kaisipan bilang isang indibidwal.Marami kasing klase ang mga aklat.Ang fiction at non-fiction.

Subalit noong Nobyembre 29,2017 nagka-isa at nagtipon-tipon ang lahat.Mag-aaral man o guro ng Simala NHS upang ipagdiriwang ang  82nd National Book Week 2016 na may temang  Today's Reader's : Inclucivity in Diversity.Sa loob ng paaralan,kasama sina Bb.Lorraine Mae Albuera at G.Jules Chesire Garvez,mga kapwa mag-aaral ng Simala NHS,pinangunahan nila ang nasabing masayang pagdiriwang.Inanunsyo rin ni Gng.Raquel Fuentes ang mga kompetisyong kaakibat ng pagdiriwang.Mayroon book character caravan,story telling,poster making,essay writing at quiz bee.Hinarana rin ni G. Jimboy Tampos at sumayaw ang mga miyembro ng dance troop bilang intermission number.At sa pagtatapos ng pambungad na programa,nagsalita rin si Gng.Geleene Faye Alberca para sa closing remarks.

Kasiya-siya nga ang araw na iyon.Muli nating naalala ang mga makabuluhang bagay na dulot nito.At sa pagtatapos ng selebrasyong iyon,nawa'y ingatan,pahalagahan mahalin natin ang ating mga libro.

NotesWhere stories live. Discover now