MPRA.20

0 0 0
                                    

DECISION

IT'S BEEN TWO WEEKS mula nang humingi ako ng leave kay Papa para manmanan si Nadine. And yes, nakakuha naman ako ng mga impormasyon. I even traded with her. Ipapakilala ko siya sa Papa niya kapalit ng pananamik niya---na hindi niya na kami guguluhin, si Kathryn, na tatantanan niya na ito.

At nagkita na nga sila. Pinagharap ko sila. Nag-usap sila. Sinabi ni Nadine lahat ng hinanakit niya sa buhay. Tito Teddy also asked her forgiveness, na hindi niya sinasadya ang lahat, na babawi siya.

But then again, kahit kailan, maling makipagkasundo sa demonyo. She fooled me! Kaya heto kami ngayon. Sa galit ko, napalo ko ang mesa.

".....Oppsss, my bad." Ani niya sa mga taong nakapalibot sa amin. Napunta pala sa amin ang ayensyon nila. Pero wala akong pakialam.

Niloko niya ako. Yun ang dapat kung alalahanin.

"Hindi ako makapaniwalang pinatulan kita noon!--- Kinasusuklaman kita, Nadine!"

"....aww I love you too, DANIEL." Nang-aasar na sabi niya at tumawa.

"PUTAnesca!" Biglang sabi ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako.

Si Julia....kasama si Kathryn.

"L-love?!" Tanging nasambit ko.

Kinakabahan ako. Baka narinig niya yung sinabi ni Nadine.

Tiningnan ko si Nadine. Tinawanan lang ako.

Sh*t!

"Tara na, Juls. Nakalimutan ko, mag-iimpake pa pala ako para sa flight ko mamaya!" Mariing sabi niya habang matalim ang titig na ipinukol sa akin.

No. Hindi na siya aalis, diba?

"Ha? Ah eh..." wala ng nagawa si Julia nang magpati-una itong lumabas.

" Love, sandali!"  Sabi ko at hinabol sila pero mas binilisan pa niya ang paglakad palabas.

"Bes sandali!" Tawag pa ni Julia sa kaniya. Pero hindi niya ito nilingon.

Sinundan ko sila pero natigilan ako nang makita ko si Nadine na naglalakad na rin palabas.

"Go sundan mo yung pusa mo. Kung may maabutan ka pa? Hahaha."

Hindi ko na siya pinansin at hinabol pa rin si Kathryn. Ngunit natigilan na naman ako nang makita ko si James.

"J-james..." sabi ko. Ngunit, nang tingnan ko si Kathryn, nasa maysasakyan na ito.

"Pare, what's up? You called---" Hindi ko na pinatapos si James at hinila ko papasok sa loob.

"Bes, sandali!"rinig ko pang sigaw ni Julia.

Napapikit ako.

Kathryn, please. Magtiwala ka sa akin kahit ngayon lang.

"Ano bang pag-uusapan natin, Bro?" Tanong pa ni James. Pero natigil siya nang makita si Nadine na palapit sa amin.

Abala ito sa cellphone. Parang ibabalita ata nito sa mga kaibigan niya ang nangyari.

"Hahaha---Nakaka-enjoy talagang panoorin yung kapatid kong pusang yun!---Hahaha, ni hindi pa nga ako nangangalahati sa pagpapahirap sa kaniy---"

"What?" Biglang sabi ni James.

"J-james?---Hon, anong ginagawa---"

"Did I just hear it correctly?" Hindi sumagot si Nadine kaya nagsalita ako.

"Oo. Half-sister niya si Kathryn at pinapahirapan niya ito sa pamamagitan ng pagsira sa buhay niya. At kaya kita pinapinta rito, James para malaman mo ang kademonyohan ng girlfriend mo!" Mariin kong pagbunyag.

NotesWhere stories live. Discover now