THE JOB HUNT
"YOU HAVE great credentials Miss....Miss..."
Nag-aalangang sabi nitong nag-iinterview sa akin kaya tinaasan ko ng kilay.
"Miss Minchin---I mean, Love-nia Dale---"
"It's LOVENIA ! La-ven-yah!" Pagtatama ko ULIT sa pangalan ko.
Haist! Pang-ilang pangmu-murder ng pangalan ko at interview ko na ba 'to ngayong araw?!
"---La-ven-yah, it is.---Tatawagan ka na lang namin. You can go. Have a nice day.----" Mabilis na sabi nito. " Next applicant!" Pagtawag pa niya sa susunod sa akin.
Tss.
"Kung diretsuhin niyo na lang po ako na ayaw niyo akong i-hire, kaysa naman sa papaasahin niyo pa akong tatawagan niyo ako kahit hindi niyo naman gagawin?! Para hindi na rin masayang yung oras at pamasahe ko papunta rito nang makahanap na lang ulit ako ng ibang mapag-aaply-an ng trabaho?! Ano? Sagot!"
Medyo nanginginig pa yung baba ko kaya kung hindi lang ako naka-glasses siguradong mapagkakamalan akong girl version ni Mr. Pure Energy, Gary V!
"Ah....Next applicant---Miss Paulite Ulit!"
"Ako po?" Tangang tanong nung kasunod ko.
"Paulit-ulit? Unli tayo? Ikaw nga raw diba? Alangan naman ako diba?"
"Ahehehe...ako nga po, si Paulite Ulit!" Tatawa-tawa nitong sagot.
Ang sarap i-hampas sa kaniya yung dala niyang folder! Tatanga-tanga?!
"Miss Rodriguez, what are you waiting for?"
"Love me like you do sana kaso ang pangit mo naman!---Che! Makaalis na nga!" Sabi ko sabay hablot ng credentials ko at nagmartsa palabas sa pangit niya opisina!
Grrrrr
Gig---
"Gigil si Ako! Petmalu! Ikaw ang lodi, lodi!"
Aba, walang'ya 'tong isang 'to, ah! Aagawan pa ako ng linya! Tsaka, nasa labas pa man din siya nitong opisina kung saan nagaganap ang interview, kanta ng kanta! Buti sana kung pangmalakasang pang-tawag ng tanghalan yung boses niya eh pang-i can see your voice naman!
Hinampas ko pa ng dala kong envelope.
"Hoy! Mahiya ka naman sa kapwa mo aplikante---Manahimik ka nga! " sita ko rito.
"Ay, pasensya na po, Miss. Pampawala lang ho ng tensyon! He-he-he" aniya at nag-peace sign pa.
Wahhhhhh
What's happening to the world?!
Inis na nagmartya ulit ako palabas.
KUNG SA LOOB pa lang ay umiinit ang ulo ko, mas lalo naman pag labas ko. Hindi ko ma-explain ang pakiramdam ko pagkatapos kong manatili ng mga ilang minuto sa isang malamig ( air-conditioned ) na pasilyo at aalis papunta sa napaka-init na kalsada. Nanghina ako bigla. Buti na lang nasa may hagdan pa ako ng gusali, napakapit ako sa hand railings niyon.
" okay lang po kayo, maam? " rinig kong tanong nung guard sa likod ko kaya nilingon ko ito.
" O-opo, Manong guard. Okay lang po ako, salamat. " sagot ko sa kaniya saka tumalikod din.
Haaaay. Buti pa si Manong guard, concern sa akin, eh sila? NGA-NGA. Hindi man lang nila ako naalala?! ---Mali, naalala lang pala nila ako pag may kailangan lang sila. Kay heto, uhaw na uhaw ako sa pagmamahal nila. Charot.
Speaking of! Bigla akong na-uhaw.