Isa sa mga inaabangan.Ang paboritong pagdiriwang ng mga estudyante.Ang Foundation Day.Ito ay ang pagdiriwang ng mga paaralan sa buong mundo upang igunita ang araw kung kailan naitayo ang paaralan.Importante ito hindi lang sa pagbibilang kung ilang taon na ito mula ng maitayo ngunit upang alalahanin din ang mga masasaya at magagandang bagay na nagawa o naitulong ng institusyong ito.Kabilang dito ang Simala National High School na nagdiriwang ng kanilang ika-49 na anibersaryo.
Kakaiba ang pagdiriwang nito ngayon kumpara noong una.Dahil kasama nila ngayon ang bagong punong-guro na first time na makiki-celebrate ng anibersaryo ng paaralan.Nakakatuwa hindi ba?Naganap ang nasabing pagdiriwang noong Desyembre 3,2016 sa Simala Sports Complex.
Buong araw ang pagdiriwang na iyon.Mayroong kaliwa't kanamg booths o pakulo ang mga baitang at pangkat.Ilan lamang sa mga ito ay ang
Dedication Booth ng grade 7
Jail Booth ng grade 8
Fun & Games Booth ng grade 9
Salon Booth ng grade 10 at ang inaabangang Blind Date Booth ng grade 11Buong umaga binuksan ang mga iyon.Nang magtanghalian din ay kaniya-kaniyang boodle fight sa loob ng classroom ang bawat pangkat.Pagsapit naman ng ala-una ng hapon,sinimulan ang pinakahihintay,inaabangan at high light ng pagdiriwang.Ang Mass Dance.Kakaiba rin ito kumpara noon dahil ang kompetisyon ay sa bawat baitang.Kaniya-kaniyang tema rin para sa bawat baitang.
Sports para sa grade 7
Social Dance para sa grade 8
Festival. para sa grade 9
Hiphop para sa grade 10 at
Zumba para sa grade 11Nakakatawa nga dahil nagkataong parehong first o pilot sections mula sa grade 7 hanggang 11 ang nanalo!Gayunman,hindi iyon tungkol sa kung sino ang nanalo.Tungkol iyon sa kasayahang naidulot ng bawat isa.Many more years ika nga para sa Simala National High School.Mabuhay,ang mga Simalanian!