Sa nakaraang Nobyembre 21, 2017, opisyal na sinimulan ang DSPC o Division Level Schools Press Confrence 2017 sa Balamban, Cebu.
Ang DSPC ngayong taon ay ginanap sa apat na araw. Kung saan, Nobyembre 21 ang day zero , ang araw para sa pagdating ng mga deligado sa lugar; Nobyembre 22 naman ang araw para sa pambungad na programa at unang araw ng patimpalak na ginanap sa Bucañoy CES, Bucañoy NHS at Bucañoy Sports Complex. Ipinagpatuloy ang patimpalak sa Nobyembre 23 at sa Nobyembre 24 ang panapos na programa at pagparangal sa mga nanalo.
At syempre!Hindi nagpatalo at nagpadaig ang mga manunulat ng Simala NHS ng The Builders at Dakilang Tanglaw.
Pinangaralang Ms. Presscon 2017 3rd Runner up si Bb. Shella Mae Adlawan, Mr. Presscon 2017 1st Runner up si G. John Elizer Daleon. 7th placer naman si Bb. Niña Ricci Zamora para sa Copy Reading and Headline Writing, pawang mga manunulat ng The Builders. At si Bb. Alexa Jill Cuesta, 7th placer para sa pagkuha ng larawan.
Kahanga-hanga at isang inspirasyon ang mga manunulat na ito ng Simala NHS sa kabila ng mga balakid na nangyari ay nakuha pa rin nilang itayo ang bandera at puri ng paaralan.