Chapter 2

28 1 1
                                        

Nathan at the multimedia

B R I E L L E


"Saan ka pupunta?" tanong ko kay July na nakasuot ng isang itim na dress na humuhubog sa kanyang sexy katawan.


"Saan pa ba?" ngiti niya sa akin tsaka nagapply ng make-up. Siguro pupunta naman ito sa isang party o kaya sa isang bar.


"Ah, Brie." Simula nung nag-usap kami ay tinatawag na niya akong Brie, kung makaasta parang ang close na namin pero hahayaan ko nalang baka isumbong pa ako kay Pres. Tinignan ko siya at tinignan ng maayos ang kanyang itsura.


"Okay lang." Binalik ko ang aking atensyon sa librong binabasa ko, isusuli na din kasi ito sa Lunes.


"Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong niya sa akin. Agad akong umiling sa kanya.


"Ehh! Never pa kaya kitang nakita sa mga school parties!" Tinaasan ko siya ng kilay

"Pumupunta naman ako sa mga school parties, at sa pagkakaalam ko walang party ang course mo at course ko." Ano ba ang pinagsasabi nito pumupunta kaya ako sa mga school parties kasi kailangan ng attendance namin.


"Party ng Architecture at Engineering." Ano naman kung party nila?


"Invited kaya ako dun."


"Sige, enjoy." Ngumuso siya sa akin at umupo sa higaan ko.


"Ano?"


"Sama ka sa akin, bilis." Lumaki ang mga mata ko at isinira ang librong binabasa ko


"BALIW KA BA?" Inikot niya ang kanyang mga mata


"Sige sasabihin ko kay Nathan." Belat niya sa akin


"Architectural Engineering kaya ang course ni President." Bulong ko sa sarili ko, pero narinig niya yata kaya nag-isip pa siya


"Libre ang pagkain." Medyo nagalaw ako dun pero


"Hindi, may quiz kami." Pagsinungaling ko sa kanya, mukhang natuwa pa siya sa sinabi ko.


"Sabi ng nursing na manliligaw ko na wala kayong quiz." Naalala ko yung kablock ko na sunod-sunod sa kanya, kainis siya.


"Ayaw ko."


"Sumama ka nalang kaya?" Aayaw pa sana ako kaso may kumatok sa pinto namin. Tumayo si July para buksan ang pinto, binuksan ko ang libro ko.


Anong page na nga ako?


"Bakit ka nandito?"


"Out of my way." Sabi ng isang lalaki kaya tinaas ko ang aking ulo at nakita ang pagmumukha na ayaw kong makita.

Stuck with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon