B R I E L L E
Nagpagulong-gulong ako sa aking kinahihigaan habang inaalala ang sinabi ni leche flan nung nakaraang araw. Wag mo muna natin siyang isipin at kalimutan mo na si leche flan. Naisipan kong tawagan ang aking mga magulang para makomparma na ligtas sila sa kanya.
"Hello Daddy?"
"Brielle! Buti naman napatawag ka!"
"May problema ba Daddy?"
"Actually good news! Tinanggap na ni Mr. Choi ang ating proposal!!"
"Buti naman Daddy"
"Narinig ko na dyan nag-aaral yung kapatid ni Mr. Choi? Maari mo bang kaibiganin para mas mapabuti ang ating relasyon sa kanila? Kasi kahit na tinanggap nila ang proposal, maari paring hindi kunin nila yun." Lagot patay ako.
"Sige po, daddy." Tinapos ko na ang tawag at nakahinga ng maluwag. Ano ba yan pati si Daddy.
Nagpalit ako ng damit at lumabas ng dorm, wala naman akong magagawa dun. Ano ba ang gagawin ko? Kain. Oo yan, kakain nalang ako. Stress eating kumbaga dahil nastrestress ako kay leche flan.
Agad kong tinahak ang daan papunta sa canteen at nakitang puno ito, sinuspende kasi ang klase kanina. Umorder ako ng strawberry cake at 2 yogurt drink tas naglakad para maghanap ng mauupuan kaso wala akong nakita kaya naiisipan ko na umalis nalang dun.
Hindi malayo sa canteen ay natatanaw ko yung greenhouse ng paaralan. Dun nalang ako kakain, walang tao siguro dun. Pumasok ako sa green house at naghanap ng bench o pwedeng mapaglagyan ng pagkain. Buti nalang na may nakita akong maliit na mesa at upuan.
Nagsimula akong kumain at nung dumungaw ako sa labas ay may nakita akong mag-jowa na naghahalikan. Agad kong tinanggal ang aking mga mata sa kanila.
"AY MAMANG STRAWBERRY CAKE!" napasigaw ako ng di oras kasi may isang lalaki na kumakain ng strawberry cake sa harap ko.
"Akin yan." Nagagalit kong sabi sa kanya. Namumulubi ba siya o ano? Tinignan ko ang tinitignan niya ay yung mag-jowa pala
"Tara na babe." Narinig kong sabi ng babae sa jowa na kaya agad naman silang umalis.
"Ano? Give me back my cake." Kukunin ko na kaso agad niyang kinuha ang cake gamit ang kanyang kamay at kinain.
"Okay fine." Kinuha ko nalang yung yogurt drink ko at uminom. Kanina pa siya nakatingin sa akin esti sa yogurt drink ko kaya ibinigay ko nalang sa kanya yung isa. Kulang pa naman yung isa sa akin.
"Bakit ka nandito, Brielle?" tanong niya sa akin sabay inom.
"Naghahanap kung saan pwede kakain. Teka, paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtataka kong tanong sa kanya. Itinuro niya ang kanyang nameplate.

BINABASA MO ANG
Stuck with a Gangster
Romance[CHOI SERIES] Brielle would never let someone destroy her daily peaceful days but looks like he would love to destroy those days. [on hold]