Chapter 3

26 1 2
                                    

Julyanne Li or July at the multimedia 

B R I E L L E

Nakakainis, nakakainis siya grabe!!

Kanina ko pa inuuntog yung ulo ko sa unan ko dahil sa sobrang pagkainis sa letcheng Nathan na yun. Gosh! I want to crush his face badly!

"Sige ka baka mauntog yang brain cells mo at magiing bobo ka." Asar sa akin ni July na nakasuot ng dress. Pupunta ulit yata sa isang party eh, hindi ba siya nagsasawa sa kakapunta dun?

"Nakakainis kaya yang kaibigan mo." Sabi ko sa kanya sabay suntok sa unan ko. Tumawa lang siya ng mahina at binasa ang text na natanggap niya.

"Hoi sama ka daw." Sabi niya sa akin

"Ha? Bakit naman ako sasama sa iyo? Alam mo naman na hindi ako sumasama sa mga parties mo tas ayaw ko ---"

"Si Nathan ang nag-utos." Tas pinakita niya ang text ni Nathan sa akin. Mas lalong uminit ang dugo ko. Sabi pa nito sa text, 'Brielle, come with July.'

Kainis, akala mo kong sino. Pilit kong ngumiti kay July at nagpalit ng turtleneck sweater at pants tas sneakers na binili ni Daddy sa akin last month.

"Sigurado ka ba na yan ang susuotin mo?" tanong niya sa akin

"Formal party ba ang pupuntahan natin?" tanong ko sa kanya

"Hindi naman parang emergency meeting lang." ngiti niya sa akin. Eh, meeting lang pala. Bakit ba nakasuot siya ng damit na parang hindi naman bagay sa okasyon.

"May pinupormahan ako." She winked at me kaya napataas nalang ako ng kilay. Kinuha ko yung wallet ko at cellphone ko at umalis kasama si July.

--

"Anong ginagawa natin sa Supreme Student Government na office?" tanong ko kay July na binubuksan ang pinto. It is still 7pm kaya medyo madilim at tahimik ang university maliban nalang sa loob ng office na hanggang sa labas ang ingay. May mga natitirang students nalang siguro ay yung mga tinatapos ang kanilang mga projects or hindi kaya mga thesis.

"Basta." She winked at pumasok. Parang isang aso, sumunod ako pumasok sa office na nakayuko.

"Hi guys!" bati niya sa kanila. Agad tumahimik ang buong kwarto kaya dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. Medyo nabigla ako kasi lahat sila nakatingin sa amin- sa akin pala.

"You're here?" Agad sumama ang timpla ng mukha ko ang pagmumukha ni leche flan na si Nathan na naka-upo sa gitna na parang hari.

"Obvious naman, hindi ba?" nakita ko ang iba sa kanyang mga kasama ay medyo natuwa sa pambara ko sa kanya.

"Pwede bang sabihin mo na ang gusto mong sabihin para matapos na ito at makabalik na ako sa dorm?" tanong ko sa kanya habang nakatingin lang sa kanya. Medyo naiilang na ako sa mga titig ng mga kasama namin.

"Arasso." Korean? May silbi din pala ang pagpapadala ni Mommy ng Korean dictionary.

"I want you to be part of our Supreme Student Association."

"Nasisiraan ka na ba ng bait?" Nababaliw na ba siya? Dapat pa akong iboto ng mga estudyante bago ako makasali sa SSA tas papasalihin niya ako? Nahihibang na ba siya?

"Pfft." Tinignan ni Ipis yung isang lalaki tas ibinalik sa akin ang tingin

"Not in the official Supreme Student Association, the backdoor one." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya

Stuck with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon