Brielle in the multimedia
B R I E L L E
"Baby, it's you! You're the one I love! You're the one I need! You're the only one I see! Come on baby it's yooouu~ You're the one ----"
"Pwede bang tumahimik ka saglit?" tanggal ko sa earphones ko at tumingin sa likod ko. Nakasimangot si Li tsaka linigpit ang kanyang mga gamit
"Psshh.. nerd" rinig kong bulong niya tsaka padabog na umalis sa kwarto. Ibinalik ko ang earphones sa aking tenga at nagpatuloy sa pag-aaral tungkol sa subject namin na Rizal and his writings.
"Hindi ba siya nag-aaral?" bulong ko sa sarili ko tsaka nagmemorize ulit. Maya't maya bumalik ulit si Li na may kasamang lalaki.
"July, hindi ba tayo nakakaisturbo sa kanya?" tanong ng kasama niya, narinig kong tumawa si Li kaya lumingon ako.
"Hindi naman, basta wag lang kayong maiingay." Sabi ko sa kanila, binalik ko ulit ang mga mata ko sa libro kaso biglang may humawak sa braso ko kaya napalingon ako ulit.
"Ano?" Tinignan ako ng lalaki ng maiigi para bang isang specimen sa loob ng laboratory. Tinaasan ko siya ng kilay
"Ano?" ulit ko na tanong sa kanya. Pumalakpak siya kaya tumingin ako kay Li na nagtataka rin sa reaksyon niya.
"Ikaw yun!" turo niya sa akin
"Anong ako?"
"Yung nasa library!!" lumaki ang mga mata ko at nag-isip kung saan ko siya nakita kaso sa gabi na yun wala naman akong kamukha niya.
"Sa CCTV kita nakita." Tumawa siya. Agad-agad kong dinala ang mga study materials ko at lumabas, sa una naglalakad lang ako pero kalaunan tumakbo na ako palayo sa kanya kaso mukhang naabutan parin ako ng mokong yun. Rinig na rinig ko rin ang pagtakbo ni Li kasunod sa amin, malamang nakaheels eh.
"Dahan-dahan lang ate." Sabi niya sa akin tsaka tinignan ulo hanggang paa.
"Ano ba ang problema mo ha?" reklamo ko sa kaniya, mukhang natuwa pa siya sa sinabi ko.
"Ba't ba kayo naghahabulan ha? Hindi ako inform kung sinabi niyo sa akin edi sana nagrubber shoes ako!" hingal-hingal na sabi ni Li sa akin.
"Alam mo bang matagal ka nang hinahanap ni Nathan!" nung narinig ko ang pangalan ni Nathan, agad nawala ang lahat ng dugo ko sa katawan. Napafacepalm nalang ako nung naalala ko ang nangyari nung isang buwan.
Nakita ko kasi yung president namin tsaka yung mga kaibigan niya sinisira ang quadrangle, nalabag naman sa batas ng paaralan namin.
"Bakit naman?" kunwari hindi takot kung sabi sa kanya. Sa nakaraang araw hindi ako masyadong lumabas sa female dorm, lumalabas lang ako pag may pasok para makaiwas kay President.
"Mukhang naiinis na nga si Nathan sa kakatago mo eh kaya buti nalang ininvite ako ni June magkape sa loob ng dorm niyo." Tinignan ko ng masama si Li na nakangiti lang sa akin at medyo namumula ang pisngi, siguro dahil sa pagod.
"Bawal ang lalaki dito" matigas kong sabi sa kanya.
"Sus, tulog na yung dorm master niyo." ngiti niya sa akin. Ilinabas ko yung cellphone ko kaso kinuha ito kaagad ng lalaki.
"Ano ba, nakakainis ka na ha." Pilit ko itong ikinuha sa kanya pero mas matangkad siya sa akin at may tinawagan pa siya sa cellphone ko.
"Hello, Nathan. Cellphone to ni---" Napatalon ako at itinapos ang tawag.

BINABASA MO ANG
Stuck with a Gangster
Romance[CHOI SERIES] Brielle would never let someone destroy her daily peaceful days but looks like he would love to destroy those days. [on hold]