-Kara-
I've been here for two days at medyo naiinip na din ako lalo pa at palagi namang pumapasok si ate. Sabi nya ay pagkauwi na lang daw ni Kuya Lex, ang fiance nya, kami mag-simulang magplano para sigurado na papayag ito sa mga detalye. Medyo maarte at OC din daw kasi ito.
Dahil wala din naman akong gagawin sa araw na ito, natapos ko na kasing basahin ang mga libro ni ate, dahil kokonti lang naman ang mga iyon at hindi kasi sya mahilig magbasa, kaya napagdesisyunan ko na lang na mag-road trip. Buti na lang at na-deliver din agad yung kotse ko kaya malaya akong makakagala. Bibisitahin ko ang condo ko. Tinext ko na lang si ate na baka gabihin ako ng uwi or doon na lang ako matutulog.
I opened the music player and listen to my favorite playlist of Ed Sheeran and Bruno Mars' songs. I don't know why I keep listening to their music, alam ko naman na iiyak lang ako. These reminds me of HIM, of US. I can still remember his voice when he sings to me their songs.
Driving back to Manila, everything was so nostalgic. During our years together, we love doing random road trips. Parehong pareho kasi kami ng trip sa halos lahat ng bagay, foods, music and other hobbies. Kaya nga lagi kaming niloloko ng mga friends namin na match-made in heaven.
Naalala ko pa nung una kaming magkita sa music org na sinalihan ko sa UP.
"Lex, buti naman naisipan mo na sumali dito sa org namin. Madedevelop lalo dito yung mga skills mo," sabi sakin nung dati kong senior sa high school. Napapanood kasi nito ako noon na sumasali sa mga competition sa school. I play almost all of the instruments but masasabi ko na piano and guitar talaga ang master ko.
"Thank you, Ate Gie. Masaya ako na may kakilala na agad ako," sabi ko dito nang mapansin ko na parang may nakatingin sa akin. Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaking mahaba ang buhok at masama ang tingin sakin. Kinabahan naman ako. Ayaw kaya nito sa akin? Pero kakasali ko lang! "Sana maging close ko lahat dito---"
Napansin ata ni Ate Gie na may pagkabalisa ako at napatingin din ito sa tinitingnan ko, "Nako, Lex, mag-ingat ka sa kanya. Sya ang vocalist ng main band natin, si Lexus Nilo Ambrosia, fourth year Chemical Engineering. Mayaman ang family nila at ilag sya sa mga tao. Wala din syang masyadong kinakausap dito pwera na lang sa mga barkada nya. Ang balita ko ay matatagal na nyang kakilala ang mga iyon, kababata ata, ganon," tuloy tuloy nito na sabi.
Hindi pa din ako mapakali, "Ate, bakit ganon sya makatingin sakin? Ayaw ba nya ng bagong miyembro?"
Natigilan naman si ate, "Sa totoo lang, hindi ko alam. Masyado ngang suplado yan. Madami ang nagkakagusto sa kanya pero hindi nya pinapansin. Tapos kung masama pa ang mood nya, ipinapahiya nya yung babae. Kaya kung ako sayo, layuan mo na lang sya kung ayaw mo ng gulo at kung gusto mo na magtagal dito sa org. Maganda naman dito, basta iwasan mo na lang sya."
"Ang sama naman pala ng ugali nya," nasabi ko na lang.
Ilang linggo na din akong nagpapractice dito. Natutuwa naman ako dahil ito ang nagsilbi kong outlet from the stressful academics. Medyo madami na din akong nakakausap, lalo na ang ibang mga miyembro ng main band, except kay Lexus Nilo. Masaya naman ako kasi palagi syang wala.
"Ang bilis ng progress mo, pwede ka na isama sa susunod na performance," sabi sakin ni Santi Gomez, sya ang gitarista ng main band. Kilala ko sya dahil sikat naman ang main band, bukod kasi sa magaling talaga silang tumugtog ay palagi pa silang paksa ng mga girls' talk kasi mga gwapo naman talaga sila.
"Salamat. Magaling ka din kasi magturo," sabi ko na lang, kahit sa totoo ay matagal ko na kasing tinutugtog ang binigay nito na piece sa akin. Isa iyon sa mga paborito kong awitin ng Parokya ni Edgar.
"Oo naman, pogi pa. Di ba ikaw si Pretty?" tanong nito.
"Huh? Hindi." Naguguluhan na sagot ko.
Natawa naman ito sa reaction ko. "Biro lang, akala ko Pretty and name mo, hindi pala. Gorgeous siguro. But kidding aside, ano ang name mo?"
Napangiti na lang ako sa korni na joke nito, "Kara Alexia Hernandez. Call me Lex, yan kasi ang tawag sakin nila sakin."
Natigilan naman ito sa sinabi ko, parang medyo napaisip sya, "Maganda ang pangalan mo, bagay na bagay sayo. Pero okay lang ba kung Kara na lang ang itatawag ko sayo?"
Sa totoo lang ay hindi kasi ako komportable na tawagin na Kara. May kaklase kasi ako noong elementary na ganoon din ang pangalan at napaka-bully nya kaya ayaw ko noon na tinatawag ako ng ganon. Kahit mga kaibigan ko kasi ay inaaway din nito.
Napansin naman ata nito ang pagka-uneasy ko, "No worries, Lex, kung yun ang gusto mong itawag ko sayo. Lex it is---"
"Pinag-uusapan nyo ba ako?"
Napatingin kaming dalawa sa nagsalita, hindi pa man ako lumilingon ay ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Si Santi naman ay napakamot sa ulo na parang hindi din alam ang sasabihin.
"Ah -- Eh-- hindi pare. Lex din kasi ang nickname ni Miss Gorgeous."
Kumunot naman ni Lexus Nilo, tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Santi. Ngayon ay hinihiling ko na sana ay pumayag na lang ako na Kara ang itawag nito sa akin. Hindi ko naman kasi alam na nickname pala din nito ang Lex. Kapag pinag-uusapan naman ito sa girls' talk, King ang tawag sa kanya ng mga babae!
Hindi pa din ako makatingin ng diretso dito. Kinakabahan kasi ako. Hinawakan nito ang mukha ko para mapaharap ako sa kanya, "Tumingin ka sakin."
Naalala ko ang utos ni Ate Gie na umiwas ako sa lalaking ito. Lalo akong kinakabahan. Hindi ko na alam ang sasabihin ko at nagpapanic na din ang sistema ko. At lalong hindi ko din alam kung anong naisip ko at bigla na lang akong tumakbo palabas.
Narinig ko pa ang sigaw nya, "WHAT THE FUCK?"
Mapakla akong natawa nang maalala ang kakahiyang pangyayari na iyon. Sinong mag-aakala na doon magsisimula ang magulo naming kwento.
After parking my car, I immediately entered Greenbelt. Wala naman akong planong bilhin. Kung ano lang siguro ang makita ko na magustuhan ko.
Sa huli ay naisipan ko na lang na mag-grocery lalo na ng personal items ko. Magkaiba kasi kami ng paboritong shampoo and soap ni ate. Napansin ko na she loves sweet scents, sa akin naman ay tama na iyong mild and fresh and flowery.
Dahil napagod ako kaka-ikot, naisipan ko na mag-merienda na lang muna. Dumaan ako sa Starbucks para mag-order ng paborito kong signature hot choco and blueberry cheesecake.
Ngunit habang nakapila ako, may naramdaman ako na humila sa akin palabas ng store.
Ito na nga ang iniiwasan ko, ang may makakita sa akin na kakilala from five years ago ...
"S-Santi ---"
I saw him smirked, "So nakikilala mo pa pala ako, Kara. Eh SYA kaya, naaalala mo pa?" Halatang halata dito na nagpipigil ng galit. Alam ko naman kung gaano sila ka-close ni Zeus kaya naiintindihan ko ang nararamdaman nito.
"Bakit ka pa ba bumalik?" muling tanong ni Santi nang hindi ako makasagot agad.
"Hindi ako bumalik dito para manggulo---"
Niluwagan nya ang pagkakahawak sa akin, "Dapat lang. Dahil okay na sya ngayon. Masaya na sya. Mas mabuti siguro na hind ka na lang magpapakita sa kanya dahil ikakasal na sya. Ayokong makagulo ka pa."
Sabi nito at tuluyan nang umalis. Ikakasal na pala siya. Sa kaalaman na iyon ay tuluyan na akong nawalan ng gana na kumain. Huli na pala ako.
-HazyCrazyMind-
BINABASA MO ANG
My Sister's Fiancé (ON HIATUS)
RomanceTHIS STORY IS WRITTEN IN TAGALOG - ENGLISH. Lucky are those people who can have the things they want all at the same time, because most people will need to trade something special just to have the other thing which they believe is more important. ...