Chapter 16 : Coleen Part 2

2K 60 10
                                    

-Coleen-


Kung anong aga ko last time, late naman ako ngayon. 3:02 noong makarating ako sa floor ng office ni Mr. Ambrosio.

"Ma'am, andon na po si boss sa conference room," ani ng sekretarya nito.

"Thank you!"

Shit.

Patakbo kong tinungo ang conference room sa loob ng opisina nito.

Naabutan ko ito doon na prente nang nakaupo. Nakahanda na din ang laptop na naka-flash sa projector.

"You are late," malamig na tono nito na lalong nakapagpakabog ng dibdib ko.

"Sorry po, sir. May nagkabanggaan---"

Hindi nito pinatapos ang pagpapaliwanag ko, "I don't care about your excuse. Just start the damned presentation."

Tumayo ako upang i-set ang laptop ko sa projector.

"Don't remove that. Send the slides on my e-mail and open it there so I can have a copy." Sabi nito sabay turo sa laptop na naka-setup na doon kanina pa.

Dali dali ko namang ini-send ang naturang presentation. Nang makita kong napunta na ang mensahe ko sa Sent Items ay agaran akong tumayo upang lumapit sa laptop nito.

Bukod sa pagpa-panic ko na gawin ang lahat, hindi ko pa gaanong kabisado ang laptop nito. Apple Macbook kasi iyon samantalang ang laptop namin sa office ay HP.

Nalo-lost ako! Kung ano ano na ang bigla bigla kong nao-open. Nasaan na ba ang email nito?

Natigilan ako.

Nainip na ata ito at nilapitan ako sa unahan.

"What are you doing? You opened a lot of tabs already!" batid ko ang pagkainis sa tono nito.

Sa paglapit nito ay tila nagwawala ang puso ko, hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o dahil naamoy ko ang mabangong manly scent nito.

Sa ilang smooth na galaw ay nai-open nito ang presentation ko. Amazed na amazed naman akong tingnan ito. Sinaway ko ang nararamdaman ko at bahagyang napailing.

"Anything wrong? Why are you not starting yet? Do not waste my time, Ms. Uy."

Naiinis ako sa sarili ko dahil tila wala na ako ng nagawang tama ngayon!

Nabigyan nga ako ng chance ngunit failed naman ata.

Kahit na nanlulumo ako sa mga nangyayari ay ginawa ko pa din ang lahat ng aking makakaya upang maging maayos ang aking presentation. Buti na lang at matagal ko din itong in-ensayo kaya memoryado ko na ang bawat detalye. Mahilig din itong magtanong ng mga tricky questions na ipinagpapasalamat ko dahil nasasagot ko naman ang mga ito.

"Breathe, Ms. Uy."

Hindi ko napansin na hindi pala ako halos humihinga hanggang natapos akong magsalita.

Tumayo na ito at kinolekta ang mga gamit. "I want to talk to your boss."

"Huh? Bakit? Ano'ng nagawa kong masama? Iba-blacklist mo ba ulit---"

Saglit itong huminto sa paglalakad ngunit hindi pa din tumingin sa akin ni maging nang magsalita ito, "I'll tell her to give you a raise for the presentation well done and to coordinate with sales for the contract signing."

Sa sobrang saya ko ay hindi ko napigilan ang mayakap ito. Nakalimutan ko na ang kaba at ang mga iniisip ko. "Thank you! Thank you!"

Tumikhim ito nang bahagya at napakalas ako sa pagkakayakap dito. Nakakahiya!

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon