Chapter 26 : Runaway

2.9K 87 16
                                    

-Kara-

"I am a bad person. No. I am the worst. Alam ko naman na mali eh, pero ginawa ko pa din."

Pinahid nito ang luha ko at niyakap ako ng mahigpit, ngunit kahit katiting ay hindi nabawasan ang guilt na nararamdaman ko.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na kinatalo ko ang ate ko. Pinagkatiwalaan nya ako ngunit binalewala ko iyon.

"Isa akong masamang babae. Malandi. Pakawala—"

"WILL YOU PLEASE STOP SAYING THAT, KARA? HINDI KA GANON?"

Natigilan ako sa paghikbi nang marinig ang galit na boses ni Max. Ni minsan ay hindi ko pa ito nakitang galit.

"I-im s-sorry," mahinang tugon ko.

Hinawakan nito ang pisngi ko at malumanay na nagsalita.

"No, Kara. I'm sorry. Hindi dapat kita sinigawan," panimula nito. "Ayoko lang kasi isipin mo na ganon kang babae. You're not, okay? Mahal mo lang sya kaya nagawa mo yun. And you did the right decision of leaving him."

Tango lang ang naging tugon ko.

"Stay with me as long as you want. I'm sure, hindi ka nya mahahanap dito," kahit papaano, ang kaalaman na iyon ay nagbigay sa akin ng assurance at konting comfort. Hindi pa kasi talaga ako handang magkita kami ulit ni Zeus. Hindi ko alam kung kailan nga ba ako magiging handa para sa bagay na iyon. Siguro ay kapag kasal na sila? Halos dalawang buwan na lang naman ang natitira at mangyayari na ang kasal.

Tama si Max, nagawa ko iyon kasi mahal ko si Zeus. Mahal na mahal ko sya. Ngunit, kahit kailanman ay hindi sapat na rason ang pagmamahal para makagawa ng kasalanan.

Alam kong dapat namin pag-usapan ni Zeus ang mga nangyari, ngunit hindi ngayon. Kailangan kong mag-isip kung ano ang tama at hindi ko magagawa iyon kung nakikita ko ito dahil alam kong mananaig lang ang puso ko. Paulit ulit lang akong makakagawa ng kasalanan.

"Thank you, Max. Sorry, ikaw lang kasi ang malalapitan ko sa ganitong bagay."

Pagkatapos nang mangyari sa amin ni Zeus ay nagising ako na wala na ito, sa halip ay may iniwan itong note.

Hindi ko maikakaila ang kilig na naramdaman ko sa sulat na iyon. Pero hindi ko na din kaya pang itanggi sa sarili ko na mali ang nangyari sa amin—na may natatapakan akong tao.

Kaya nang umagang iyon ay dali dali akong bumangon. Nakita ko ang cellphone ko na nakapatong kasama ng mga damit ko.

Pagkahawak ko pa lang non ay agad na itong tumunog.

It's Max.

"Damn, Kara! Thank God, sumagot ka! Where are you?"

Hearing his voice, I cried. I felt so vulnerable. Ngayon ko lang na-realize kung gaano pa kadaming maling bagay ang nagawa ko. Kahapon lang ay nagtapat ito sa akin at iniisip ko pa kung bibigyan ko nga ba ito ng chance ngunit ngayon ay feeling ko na napakababa ko. I slept with my sister's fiance.

"Why are you crying? Damn! Did something bad happen to you? Please answer, Kara! I'll get you there!" Halata sa boses nito ang worry at panic.

That's when the idea of running away hit me. I took the opportunity to let him know where am I. I need help to get out of here.

And just like that, I was able to runaway. To physically runaway, because I know, I will always be attached to Zeus.

And it's been a week since that happened at masaya ako kahit papaano na hindi pa ako nito natatagpuan. Sobrang laki na ng utang na loob ko kay Max dahil tinanggap pa din ako nito. Hindi ko man aminin dito ay alam kong alam nito o nahulaan nito ang mga nangyari. There is no judgment that has been passed on to me. He just listened when I needed someone to talk to and keep quiet and respect my decision to stay silent.

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon