Chapter 18 : The Talk

2.6K 77 22
                                    

-Kara-

Pang-limang malaking buntong-hininga na ang pinakawalan ko sa umagang ito. Daig pa ang kaba ko ngayon ang naramdaman ko noong nag-defend ako ng thesis sa masters at kumuha ng board exam. Dalawang araw na din akong halos walang tulog.

Sa hindi ko na mabilang na beses ay muli kong binasa ang message NIYA sa akin.


Let's meet at Harbor View. 10am. Friday.


Since 3 am ay hindi na ako nakatulog at ngayon nga ay 7am na.

Matapos makita ang oras ay agad na din akong bumangon.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang laki ng eyebags ko.

Naglakad naman ako papunta sa closet ko at naghanap ng maisusuot.

"Ayaw ko nito, masyadong revealing.... hmm, sobrang manang naman nitong isa... ang pangit ng color, masyadong matingkad. Parang pang-nagluluksa naman itong isa." Parang baliw na kinakausap ko ang sarili ko. Wala akong mapiling damit. Dapat ata ay nag-shopping ako kahapon.


Akala mo naman, date ang pupuntahan! Says my ever-maldita inner self.


Sa inis ay inihagis ko ang lahat ng mga damit ko sa kama. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang mga iyon, pero wala na akong pakialam. Frustrated na nahiga ako sa taas ng mga iyon at pumikit ng mga ilang minuto.

8:30 am! Shit! Ang bilis naman ng oras, magda-drive pa ako papuntang Ermita!

Patakbo kong kinuha ang bathrobe at naligo. Ginamit ko ang pinaka-mabango ko na shower gel, regalo pa ito ni Juan Carlos noong huling birthday ko. After 30 mins ay tapos na akong maligo.

Dahil wala na akong maraming time para mamili ng isusuot ay kung ano na lang ang kinuha ko.

Coral pink-colored crop top and boyfriend jeans, paired with white rubber shoes na lang ang napili ko.

Late na ako pero hindi pwedeng mahalata nito na sobrang apektado ako sa sinabi nito kaya kailangang maitago ko ang eyebags ko using concealer, then light make-up.

9:40 am na nang makaalis ako sa bahay.

Thankfully and miraculously, hindi ganoon ka-heavy ang trafffic kaya few minutes lang akong late.

While walking to the table he reserved, my heart cannot stop thumping so loudly that I can almost hear it.

Until I saw him.

He haven't noticed me yet, thus, I took the liberty to stare at him.

I am always amazed by how handsome he looks, most especially when he is not mad.

His gray eyes were expressive. He has the most adorable jaws I have ever seen which just adds more masculinity to his face. He got this snobby look all the time. He is intimidating, but it is his smile and the way his dimples show in his cheeks are the things I love the most about him.

But he is not smiling now.


Of course, not! Kasi late ka.


He hates tardy people and I am not an exception to the rule.

"You're late," bungad nito.

"I know. No need to state the obvious." Siguro epekto din ng kulang sa tulog kaya mainitin ang ulo ko.

"Wow. Feisty!" tila nagulat ito, sinamaan ko lang ng tingin. "Anyway, I have already ordered for us."

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon