Chapter 5 : The Arrival

2.5K 55 4
                                    

-Kara-

Nawala ang plano ko na maagang gumising ngayon para makabalik agad ng Laguna. Magkapareho pala ang condo na tinitirhan namin ni Carlene dito sa Makati kaya naman nakasalubong ko ito kahapon sa elevator. Nakakatawa ang pagkikita namin dahil talaga namang gulat na gulat ito.

Niyaya nito ako na mag-bar at kahit na hindi naman ako umiinom ay sinamahan ko na din. I feel like I owe her and the rest of my friends an explanation kung bakit bigla akong nawala. Hindi ko kasi naikwento sa kanila ang acceptance ko sa NYU. Leave no trail, 'ika nga. Buti naman at naintindihan nito ako pagkatapos ng mahaba kong pagpapaliwanag. Naibalita din nito sa akin na may nalalapit kaming barkada reunion at dapat daw na sumama ako.

At dahil nga sa kanya ay napuyat ako. Mag-alas dos na kaming nakauwi dahil ang babae ay talaga namang nagawa pang magpaka-lasing! Yun pala ay may problema sa pag-ibig. Sa dami naman kasi ng pwedeng mahalin ay yun pang lalaking may asawa na pala. Yun ang pinaka-kinakatakutan ko, ang magmahal ng isang tao na may kahati.

Alas diyes na nang maka-alis ako sa condo, mahigit kumulang 2 oras ang byahe papunta sa bahay ni ate. Okay lang naman dahil alas tres pa daw ang dating ni Kuya Lex. Tinext ko naman si ate na mga after lunch pa ako makakarating, sabi naman nito ay okay lang dahil nandoon naman daw ang kapatid ng fiance nito para tumulong sa preparation. Hindi na din daw magpapasundo si Kuya Lex dahil idadaan pa daw nito ang mga gamit sa sariling condo at may need pa pirmhan sa office bago magtungo sa bahay ni ate. Napaka-workaholic naman pala talaga ng lalaki!

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang papalapit ako sa bahay ni ate. Hindi naman ako ganito noong unang punta ko dito. Siguro ay dahil makikilala ko na ang fiance nya at hindi ko alam kung magugustuhan ko ba ito para sa kanya. Pero ganon pa man ay kahit ano pa ang tingin ko dito ay hindi naman ako tututol sa kasal nila. Susuportahan ko na lang kung ano ang gusto ni ate, although sana ay mabuting tao ito at mamahalin ng tapat ang ate ko. Nakakatawa lang din na napaka-konti ng alam ko tungkol sa fiance nya. Basta ang tanging nabanggit lamang nya sa akin ay isa itong CEO at dalawang taon ang tanda sa kanya, at ang palayaw nito ay Lex.

Lex.

Lalong may ibang pakiramdam na inihatid ang pangalan na iyon. Bukod sa iyon ang tawag sa akin ng mga close friends ko ay iyon din ang nickname ni Zeus.

Pero siguro naman ay iba ang fiance ni ate. Malawak ang mundo at sa 7.5 bilyon ba naman na populasyon ay malabong ang ex ko pa ang magiging fiance nito. Bakit ba naman kasi hindi ko man lang naitanong ang buong pangalan ng boyfriend nya? Bigla akong nainis sa sarili ko.

At sa wakas ay nakarating din ako sa bahay nito, medyo napatagal pa ang byahe ko dahil sa naabutan ako ng traffic. Naisipan ko kasi na dumaan sa palengke dahil gusto ko magluto ng seafoods. Hindi kasi doon mahilig si ate at miss na miss ko na ang kumain nito kaya naisip ko na ako na lang ang magluluto.

Tuloy tuloy akong pumasok at napansin ko si ate na nagluluto sa kusina. Agad naman ako na humalik sa pisngi nya.

"Hi Ate, need any help? Ano pala yung niluluto mo? Ang sarap ng amoy!" nakangiting bati ko.

"Chicken pastel. Nako, masarap to. Wala nyan sa New York!" sagot ni ate na proud na proud.

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko na chicken ang ihahanda nya sa kanyang fiance. Alam ko kasi na allergic si Zeus sa chicken kaya kung ito nga ang papakasalan nya, dapat ay alam nya iyon at hindi sya magluluto ng manok.

Naalala ko ang mga pinamili ko, "Ate, makikiluto din pala ako ah. Ang tagal ko nang nagke-crave sa seafoods."

"Sige. Patapos na din naman ako."

"Thanks, ate!" sagot ko nang may bigla akong naalala, "Oo nga pala, nasaan yung kapatid ng fiance mo? Akala ko ba tinutulungan ka nya?"

Tinanggal na ni ate ang pan mula sa stove, senyales na tapos na siyang magluto, "Ah oo. Nandito na sya kanina pa. May inutos lang ako na ipabili sa labas. Babalik din yun maya maya."

Napatango na lang ako at ipinagpatuloy ang paglilinis ng mga crabs. Pagkatapos kong maisalang ito sa kalan ay naisip ko na maligo na, maya maya kasi ay darating na ang bisita at ayoko naman na mangamoy ulam.

Nagtuloy tuloy ako sa kwarto ko at nag-shower. Ang sarap sa pakiramdam na makaligo ulit. Sobrang init na kasi ngayon dahil summer na. Pagkatapos nito ay naisip ko na magsuot na lang ng presko na damit, high waist maong shorts at white na long sleeves. Mabilis ko lang na sinuklay ang buhok ko at nag-apply ng manipis na powder at liptint, at bumaba na din kaagad ako.

 Mabilis ko lang na sinuklay ang buhok ko at nag-apply ng manipis na powder at liptint, at bumaba na din kaagad ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang bilis ng oras, alas dos na pala. Dumiretso ako sa kusina para tingnan kung ayos na ang niluto ko. Tinikman ko lang ito at okay na nga. Kuhang kuha pa din ang dati kong luto, napangiti ako sa sarili ko. Inilipat ko ang niluto ko sa mas presentable na food container at isinama na ito sa mga nakahain na pagkain sa dining area.

Nasaan kaya si ate? Naitanong ko sa sarili ko. Mula nang bumaba kasi ako ay hindi ko pa ito nakikita, baka sakaling kailanganin pa nito ang tulong ko.

Nagpagala-gala ako sa loob ng kabayahan ng may napansin akong tao sa pool area. Naka-side view ito pero malinaw pa sa sikat ng araw na kilalang kilala ko ito.

SHIT! Anong ginagawa ni Gerold dito? Kapatid ito ni Zeus!

Dali dali akong tumago sa may sala. Nagpapanic na naman ang sistema ko. Naririnig kong may kausap ito---si Ate Coleen.

Hindi kaya si Gerold ang fiance ni ate? Pero isang 'Kuya Lex' ang fiance nya!

Hindi pa man nagsi-sink in sa akin ang lahat ay nakita na ako ni ate. Pumasok pala ito sa bahay at hindi pa ako nakakatago ay natawag na nya ako.

"Oh, sis! Nandyan ka lang pala. Anong ginagawa mo dyan? Halika dito. Ipapakilala kita sa mga bisita natin. Nasa hapagkainan na sila," sabi nya na kay laki ng ngiti.

Tila wala pa ako sa sarili na napatanong kay ate, "Sila?"

Natawa na lamang si ate sa ikinikilos ko, "Oo, nandyan na si Kuya Lex mo at ang kapatid nya. Halika, ipapakilala kita."

At wala na akong nagawa nang hinila na nya ako.

Malaki pa din ang ngiti ni ate nang ipakilala nya ako sa aming mga bisita, "Hi Baby, Gerold, meet my heartthrob sister, Kara."

Tila tumigil ang paghinga ko at ang buong mundo nang magkatitigan kami.

-HazyCrazyMind-

My Sister's Fiancé (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon