CHAPTER FOUR-KAREN

68 2 1
                                    

"Karen are you alright?!" minulat ko ang aking mga mata ko at nakita ko si Wendy sa tabi ko. Gusto kong sabihin sa kanya na ok lang ako pero hindi ako makapag-salita dahil tuyo ang lalamunan ko.

"Nandito na ako! Dala ko na  yung yelo!" biglang bumukas ang pintuan ng clinic at bumulaga sa akin yung anghel na nakita ko kanina sa Volleyball court. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at iniabot yung yelo. Nakatitig lang ako sa kanya at nakatitig lang din siya sa akin.

"Karen?" bigla akong kinalabit ni Wendy. I was slapped out of dream world. Dalawang mga anghel ang nasa harapan ko ngayon. Isang pogi na lalaki at isang magandang babae. Kung titignan mo ang sitwasyon, ako lang ang panget sa aming tatlo. Nagtitigan lang kaming tatlo. Ang awkward ng atmosphere dito sa clinic. Kaya naisipan ko ng mag-salita.

" Umm... Wendy, thanks nga pala sa paghatid sa akin sa clinic. Kung wala ka, walang mag-dadala sa akin papunta dito." nginitian ko siya at napatingin siya kay Mr Angel(Mula ngayon, yun na ang tawag ko sa kanya). Umiwas ng tingin si Mr. Angel na parang nahihiya. Ang cute niya 'pag nahihiya siya! 

"That's nothing. You're my friend that's why I will always help you." nginitian niya din ako. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko. 

"Mukhang ok ka na pala eh. Sige. Alis na ako" inabot  ni Mr. Angel yung yelo kay Wendy at umalis na ng clinic. 'Di man lang nag-sorry! Pogi nga pero walang manners

" It's not me" biglang nagsalita si Wendy. What? Di ko siya naintindihan.

" I am not the one who brought you here." Nagulat ako sa sinabi niya pero di na lang ako nag-react at instead tinitigan ko lang siya. Kung hindi siya e di sino nagdala sa akin dito?

" It's Andrew" Who's Andrew?

"Umm... Who's Andrew?" nakaka-curious naman kung sino siya. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Sasagot na sana si Wendy nang biglang dumating yung nurse at sinabing pwede na daw akong umalis.

DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon