Tawa. Lahat sila pinagtatawanan ako. Nakaupo lang ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bahala na nga! Inangat ko ang ulo ko at nakita kong mukha ni Mr. Angel. Mukha siyang worried. Mukha tuloy akong ewan sa harap ng buong school. Ikaw ba naman matapunan ng spaghetti at coke sa harap ng maraming tao, 'di ka ba mahihiya?
"Ate, ok ka lang?" tanong niya ulit sa akin. I just nodded and quickly ran off without saying a word. Agad naman akong sinundan ni Mr. Angel.
"Ate, sandali lang!" sigaw niya. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ko na tinitignan ang dinadaanan ko hanggang sa mabunggo ako sa isang pader.
BOOM!
"Aray!" bulong ko sa sarili ko. Ang bango naman ng pader na 'to. Pag-angat ko ng ulo ko nakita ko yung lalaking tumulong sa akin sa cafeteria. Yung tumulong sa akin dahil kulang ako sa pera.
"Miss? Are you alright?" OMG! Nosebleed! Ito na naman ako sa english speaking nila. Bakit ba lahat ng tao ngayon tinatanong kung ok lang ako? Hindi ko na lang siya pinansin and I just walked away. Akala ko doon na matatapos yun nang may biglang humila sa kamay kinalkad ako papunta sa pool area ng school namin.
Takbo...
Takbo...
Takbo...
Habang natakbo kami, pinagtitinginan kami ng mga ibang students. Hindi na kaya ng powers ko ang kahihiyan na ito.At sa wakas, nakaabot na din kami sa pool area ng school. Pinaupo niya ako sa isang long bench malapit sa pool at doon ko na binuhos lahat ng luha ko. Nakakahiya naman kasi ,
"Umm... Miss, are you alright?" si kuya na tumulong sa akin sa cafeteria na naman. Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti sa kanya.
"Huh? I'm ok. " pilit kong idiniin sa kanya with a smile."
"What happened to you? "umupo siya sa tabi ko at tinignan ako with worried eyes. Nagtitigan lang kaming dalawa. Wala akong planong ikuwento sa kanya yung nangyari kanina sa cafeteria. That is too embarassing!
"Umm... Wala. Nothing. I'm fine. It's you again" I tried to change the topic and luckily he just went with the flow
"It is me. Last time, I helped you at the cafeteria. Remember?" how could I forget? Of course naalala ko. Siya pa. Crush ko kaya siya. Magpapasalamat sana ulit ako pero bigla kong napansin kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Kissing distance. That's what you call it.
Nakatitig lang ako sa mala anghel niyang mga mata.
Am I in heaven?

BINABASA MO ANG
Disguise
Teen FictionVolleyball. This game drew me to him even closer. Sino mag-aakalang si Andrew Martinez, isang sikat na heart throb sa St. Peters' Academy ay isang GAY? Isang simpleng babae tulad ko ang makakaalam ng sikreto niya. May isang problema lang ako, MAHAL...