Habang inaalalayan ako ni Wendy papuntang classroom, napaisip ulit ako. Sino si Andrew? Sino siya? Gusto ko sana itanong kay Wendy pero mukhang wala siya sa mood makipag-usap sa akin ngayon. Focused na focused siya sa pag alalay sa akin.
After a hundred years, nakaabot na din kami sa classroom. At eto pa ang pinakamagandang part, LATE kami. Pero bilib ako kay Wendy dahil kinaya niya ang bigat ko. Biruin mo, 5th floor pa ang room namin. "Goodmorning, Mrs. Francisco. Sorry we're late" mahinang sabi ni Wendy. Tinaasan lang siya nito ng kilay at bumalik sa pagtuturo sa klase. Wow! Talk about snob! Pagkatapos ng klase, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Ang lupet ni Mrs. Francisco! Lahat ng estudyanteng di nakikinig binigyan niya ng report na up to 300 pages! Nakakaawa naman mga kaklase ko. Sinabi sa akin ni Wendy na siya daw ang pinaka strict na teacher sa buong campus. Marami na daw siyang estudyante na binagsak sa subject niya. Magaling naman daw magturo si Mrs. Francisco pero strict talaga.
'Di nagtagal lunch break na namin. Dumiretso agad ako sa cafeteria kasi nahihilo na ako sa gutom. Medyo ok na ang pakiramdam ko kaya nakakapaglakad na akong mag-isa. Sinamahan ako ni Wendy at ng isa pa naming kaklaseng babae. Loraine ata pangalan niya. Pagkadating namin sa cafeteria, sinabi nila Wendy na sila na lang maghahanap ng table namin at bumili na daw ako ng food. Luckily, meron naman palang available na budget meals sa isang stall. Pagkatapos ko magbayad, binuhat ko ang tray ko na naglalaman ng spaghetti at coke. I walked slowly para di matapon yung food pero something unexpected happened.
Nakita ko na naman si Mr. Angel. Nakatingin siya sa akin at nakatingin ako sa kanya. Papalapit siya ng papalapit sa akin. Eto na naman yung slow motion. Nangyayari na naman
Dahan-dahan...
Dahan-dahan...
Dahan-dahan...
BOOM!
BINABASA MO ANG
Disguise
Teen FictionVolleyball. This game drew me to him even closer. Sino mag-aakalang si Andrew Martinez, isang sikat na heart throb sa St. Peters' Academy ay isang GAY? Isang simpleng babae tulad ko ang makakaalam ng sikreto niya. May isang problema lang ako, MAHAL...