CHAPTER TWO-KAREN

83 4 0
                                    

Nakarating na kami sa school.Nagulat kami nung pagpasok namin wala pang ka-tao-tao. Grabe! 5th floor pa naman tong room. Nakakapagod. Hingal na hingal na ako by the time na makapasok kami sa loob. Si Wendy mukhang relax na relax palibhasa kasi sanay na siya umakyat dito. 

"Karen, let's go downstairs and just come back later" 'What?! Ayoko!' Gusto ko sana sabihin yun sa kanya pero nakakahiya.

"Umm.. Saglit lang ha... (breathes heavily) Ok.. Let's go na." Taglish lang ang peg?! Ang hirap mag-english noh! 

So bumaba na naman kami. Pagod na talaga ako this time, sa sobrang pagod gusto kong humiga dun sa sahig. Pero syempre di ko yun gagawin kasi may hiya pa rin ako noh! Ang ingay-ingay naman dito. Ganito ba lagi dito?

"Andyan na siya..." narinig kong bumulong si Wendy. Siguro kausap niya sarili niya. Ano nangyari sa english speaking campaign niya?

"Umm... Wendy, sinong 'siya'?" syempre na-curious ako kung sino si 'siya'. Hindi sumsgot si Wendy.Tumakbo siya papunta dun sa maingay na lugar at wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

"Wendy! Wendy! Wait lang!" Ano ba yan! BIngi ba siya?! Sayang tong girl na toh! Maganda pero bingi! So takbo lang siya ng takbo at syempre ako rin. Tumigil si Wendy malapit sa Volleyball court kung saan andaming girls na nagtitilian.

"Ang pogi mo, Andrew!"

"I love you, Andrew!"

"Andrew, pa-kiss!"

"Akin si Andrew!"

"I'm Andrew's girlfriend!"

"Hindi kaya! Andrew ano number mo?!"

"Andrew, please be my boyfriend!"

Sino si Andrew?! Bakit sila nagtitilian ng ganun? I was lost in thoughts at di ko napansin na  nawala na pala si Wendy! She disappeared into the crowd. Saan ko naman siya hahanapin? Huminga ako ng malalim at nag-isip. Kung wag ko na lang kaya hanapin si Wendy? 10 minutes na lang naman till classes baka sumulpot na lang yun mamaya. For now, mas malaki ang problema ko. GUTOM NA GUTOM NA AKO!

Naglakad ako papunta sa cafeteria na itinuro sa akin ni Wendy during the tour. Wala masyadong tao. 'Pag tumingin ka sa paligid mo, makikita mong mukhang 5-star resturant ang pinasukan mo at hindi isang school cafeteria. Well, I guess iba talaga 'pag mayaman na school. Lumibot ako sa bawat stall. Meron silang seafoods, snacks, candies and chocolates at meron pa silang mga lechon! Ano toh?! Araw-araw nilang ibinebenta?!

Nakalibot na ako sa 3 stalls at wala pa rin akong mabili kasi sobrang mahal ng mga pagkain. Ang hirap talaga maging poor! Tuloy pa rin ang lakad ko. Malaki at malawak ang cafeteria siguro katumbas ng isang auditorium kaya medyo matagal din ang paglilibot ko. Nang makarating na ako sa13th stall, (oo! 13 stalls na ang napuntahan ko at wala pa rin akong nabibili!) nakita kong mukhang hamburgers and french fries ang binebenta nila. Siguro naman mura dito. Ayun! May nakita na ako! P50 lang! Meron nang spaghetti, fries, burger, at sundae! Meron naman palang mura dito eh. Medyo nagiging blurry na ang vision ko sa sobrang gutom kaya naisipan kong um-order na agad-agad.

After 10 minutes...

"Miss, here's your order." nginitian ako nung vendor at ngumiti na lang ako pabalik. Masaya ako dahil makakain na din ako sa wakas. Binigay ko na yung bayad ko at dahan-dahang binuhat yung food ko.

"Umm... Miss, kulang po bayad niyo!" narinig kong sumigaw yung nag-bebenta kaya napalingon ako at inilapag muna ang bitbit ko sa counter.

"Anong kulang? 'Di ba P50 lang ito?" tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay. Namana ko yung habit kong yun sa papa ko kaya minsan 'pag ginagawa ko yun sa harap ni mama, nag-iiba ang timpla niya.

"Miss, kulang po kayo ng P450. Worth P500 po ang binili niyo" nakita kong mabait naman yung babae pero wala talaga akong pambayad. SInubukan kong sabihin na utang na muna yung inorder ko pero sabi niya masisisante daw siya 'pag di ako nagbayad. Ano ba yan! Sa sobrang gutom ko nanlalabo na yung paningin ko! SInubukan ko din ibalik na lang sa kanya yung food pero no refunds daw. Pano na toh? I'm dead.

"Miss, ito na po yung P500" may narinig akong boses ng isang lalaki sa likod  ko. Lumingon ako at halos mahulog na yung panga ko sa sobrang POGI ng lalaking nasa likod ko. Ngumiti sa akin yung lalaki at wala akong nagawa kundi ngumit na lang din pabalik. Isa lang ang tanong na gumugulo sa isip ko.

Sino siya?

DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon