"Umm... Thank you" nahihiya akong nagpasalamat sa kanya. Ngumiti siya sa akin at halos matunaw ako sa sobrang charming niya.
"That's nothing. You can pay me back later." Meron pa palang mga lalaking tulad niya. Yung mga pogi na mabait pa! Akala ko kasi endangered species na sila. Ang problema ko lang sa kanya ay nakaka nosebleed siyang kausap. Gusto ko pa sana tanungin ang pangalan niya pero biglang nag-ring yung bell which means magsisimula na ang classes.
"See you around." narinig kong sabi niya. Parang natuyo ang laway ko sa bibig dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Siguro mukha akong tanga ngayon kasi lutang na lutang ang isip ko sa pag-iisip kung sino siya.
Biglang sumulpot si Wendy at sabay kaming umakyat papuntang classroom namin ULET. Buti na lang at marami nang tao. Tulad ng ibang first day of school, merong orientation, campus tour, at introduction of yourself sa klase. Pagkatapos ng lahat ng iyon, inaya ako ni Wendy na pumunta sa Volleyball court. Mukhang excited siyang makarating dun. On the way, ikinuwento niya sa akin kung gaano kagagaling ang mga athletes ng school. Lumalaban daw ang school nila sa ibang mga bansa at kadalasan nanalo bilang champion. Hindi ako masyado interesado sa sports kaya onti lang ang naalala ko sa lahat ng sinabi niya.
Nakarating na din kami sa Volleyball court at nakita naming may training session na nagaganap. Magagaling yung mga players nila. Mukhang masaya si Wendy kaya naisipan kong magpakasaya na lang din para di ako killjoy di ba? Masaya kaming nagkukwentuhan ng biglang may bolang dahan-dahan na lumipad papunta sa akin.
Slow motion. Ito siguro ang feeling na ganun. Bakit di ako makagalaw?
dahan-dahan...
dahan-dahan...
BOOM!
ARAY!
Agad akong napahiga sa sobrang lakas ng impact.
Narinig kong tinatawag ni Wendy ang pangalan ko. Maraming tao ang nagsilapit papunta sa amin.
Nararamdaman kong malapit na akong mawalan ng malay.
Dahan-dahan...
patuloy pa rin ang slow motion...
hanggang sa nakakita ako ng isang lalaki. Nasa langit na ba ako? SIno itong anghel na nasa harapan ko?
"Ate, ok ka lang?" yan ang mga huling salita na narinig ko bago mag sara ang aking mga mata.

BINABASA MO ANG
Disguise
Dla nastolatkówVolleyball. This game drew me to him even closer. Sino mag-aakalang si Andrew Martinez, isang sikat na heart throb sa St. Peters' Academy ay isang GAY? Isang simpleng babae tulad ko ang makakaalam ng sikreto niya. May isang problema lang ako, MAHAL...