June 06, 2013
Dear Diary,
First day of school at my new school. Sana makakilala ako ng maraming kaibigan. I miss school. 3rd year ko na ngayon at bagong lipat lang ako sa St. Peters' Academy. Buti na lang may scholarship program dun sa school balita ko maganda daw yung facilities nila. High class daw lahat.
P.S St. Peters Academy here I come!
"Karen, andyan na sundo mo! Bilisan mo baka malate ka pa sa school!" tawag sa akin ni Mama
"Ma, saglit lang!" sigaw ko naman pabalik habang binibraid ang sarili kong buhok
"Bilisan mo na! First day na first day tapos malalate ka?!" nagmamadali akong bumaba ng stairs at tumungo sa living room. May 2nd floor bahay namin pero di naman kalikihan. Sakto lang para sa isang simpleng pamilya.
"Oh Ano pa ginagawa mo dito? Go na!" turo ni Mama sa labas
"Baon ko nga pala?"
"Ito oh. Tipirin mo yan ah? Mag-aral ng mabuti." binigyan ako ni Mama ng P200. Malaki laki na din itong baon ko kumpara sa baon kong P50 noong sa Public school pa lang ako nag-aaral. Hinalikan niya ako sa pisngi at sinabing mag-ingat ako.
"Bye" sabi ko naman
5 minutes later...
"Umm... Miss, gising na po kayo. Nandito na tayo sa school" nagising ako sa boses ng driver ng service ko. Gaano katagal na ba akong natutulog? Ano ba yan! Nakakahiya! Sana di ako nahilik habang natutulog. Bumaba na ako sa bus pagkatapos mag-sorry kay manong driver. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang 6:58 am na. OMG! O_O
7:00 magsasara yung gates papasok sa school! Binilisan ko ang pagtakbo ko papunta sa gates. Ang layo naman! Ayun na yung gates!
"Wait! Kuya guard wag mo muna isara!" nakita kong wala nang estudyante sa labas kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko.
Malapit na magsara. Hindi ata ako narinig ni Kuya guard. At yun na nga nag-sara na ang gates. First day pa lang tapos di ako makakapasok. Kaasar!
Beep Beep Beep!
Nakita kong may kotseng papalapit at binuksan ni Kuya guard yung gates! Hulog ng langit ang may-ari ng kotseng yun! Tumakbo ako ng mabilis papasok sa school. Buti na lang di ako nakita nung guard. Baka magkaroon pa ako ng record sa pagiging late. Pagpasok ko sa campus halos lumuwa ang mga mata ko sa bungo ko sa sobrang laki at ganda ng school. Parang Hogwarts (school ni Harry Potter). I'm gonna like it here. Mukhang mayayaman ang lahat ng tao dito.
"Hi! My name's Wendy and I will be assisting you today. You seem new here." Nakakita ako ng isang magandang babae na maputi at halatang mayaman.Wow! English! Tumutulo na yung dugo sa ilong ko! Waaahhhh! Nose Bleed! May tissue ba kayo? Teka nga muna sino ba siya?
"Um... Hi, Wendy. I'm Karen. Nice to meet you and yes I am new here" Galing ko mag english noh?! Di ako papatalo sa kanila. I did not graduate elementary as a valedictorian for nothing! Ano daw?
"Well, I am glad to meet you,Karen. I am the Student Council President of this school. Want me to take you around school?" Ano pa nga ba magagawa ko kundi pumayag na lang. Nakakahiya naman kasi sa kanya, siya na yung nagmamagandang loob tapos ako pa itong aayaw.
Umikot kaming dalawa ni Wendy sa buong campus. Andaming facilites ng school na toh. In fact, parang kumpleto sa lahat ata itong school. Merong computer room, science laboratory, dance studio, air conditioned ma assembly hall, malaking cafeteria, at may swimming pool pa meron pa ngang chapel eh!
"Ang ganda naman ng school, Wendy." Sabi ko sa kanya. In tagalog!
"Umm... Karen, you are not supposed to speak in tagalog. We have our english speaking campaign here in our school. I expect you to speak in english at all times." Tsss... May ganun pa?! Sa amin nga dun sa public school, wala na yung mga ganyan-ganyan. Pero ang awkward nga lang ng pagkasabi ni Wendy.
"Ok. I'm sorry" ngumiti siya sa akin at ngumiti na lang ako pabalik. Sinamahan din ako ni Wendy tignan kung saang section ako at parehas pala kami. Hayss salamat!
BINABASA MO ANG
Disguise
Ficção AdolescenteVolleyball. This game drew me to him even closer. Sino mag-aakalang si Andrew Martinez, isang sikat na heart throb sa St. Peters' Academy ay isang GAY? Isang simpleng babae tulad ko ang makakaalam ng sikreto niya. May isang problema lang ako, MAHAL...