Capítulo 4

522 46 22
                                    

Trining,

Katulad ng mga normal na araw ay nag-uumpisa ang aming umaga sa pagdarasal sa simbahan. Ako ay taimtim na nagdasal ngunit sa totoo lamang, ako rin ay muntik nang makaidlip sa kalagitnaan ng mahabang sermon kanina.

Panay kagat ko na lamang sa aking labi upang mapigilang maghikab. Pilit din ang aking pagdilat kanina at marahil ipagpapasalamat ko na may kaliitan ng kaunti ang aking mga mata. Hindi tuloy napansin masyado ni Tiya na medyo kalahating sarado na ang mga ito kanina.

Iyong hulaan kung sino ang aming nakita matapos magsimba ni Tiya...

Si Binibining Z. na kasama ang kanyang ina!

Hindi na rin kagulat-gulat, Trining, 'pagkat isang normal na bagay na ang makita ng isang taong nagsisimba ang mga kakilala (kaibigan at mga kaaway) duon sa simbahan o sa labas nito.

Siya'y niyakap ako ng mahigpit at sinabi na siya'y nangulila sa akin. Sinabi ko na lamang sa kanya na binalak ko siyang dalawin (ito'y tunay Trining, iyong nalalaman iyan!) at nasaktuhan na siya'y aking nakita na. At tama nga si Binibining Q.! Ako'y inimbitahan din sa kanilang tahanan sa susunod upang maipakilala sa kanyang mga kaklase.

Kami ay wala masyadong napag-usapan sapagkat may pupuntahan pa ang mag-ina. Kating-kati na ang aking dila upang magtanong ukol kay Ginoong Y., ngunit tama lamang na itinikom ko na lamang ang aking bibig.

Ngayon nga pala'y lalabas kami ng aking kapatid upang kumain ng pancit. Si Tiya'y ayaw sumama kaya't balak ko na lamang siyang uwian ng pagkain, ngunit ang sabi niya kanina ay huwag na raw.

That afternoon, Basilio asked her to come with him to the famous panciteria in Calle Nueva. Dahil nga naudlot yuong dati, ay ginusto niyang sumama ngayon. Dapat ay kasama si Tiya Asuncion, ngunit umayaw ito dahil gusto lang nito na manatili sa bahay muna.

Yradesa was still wearing her four-piece ensemble, so she need not prepare anymore. Pati ang buhok niya ay nakaayos na rin. Her accessories were her pearl earrings and her silver hair ornament. She checked herself in the mirror if there's something that needs to be fixed. Wala naman, kaya lumabas na siya ng kwarto upang puntahan ang kapatid.

"Tiya, baka mamayang bago mag-alas-sais pa kami na makabalik," paalam ni Basilio kay Tiya Asuncion na sa kasalukuyan ay nagbuburda sa sala.

"Walang problema, Hijo, aliwin niyo ang inyong mga sarili sa labas," sagot ng kanilang Tiya.

"Ano ang siyang dahilan at bago pa mag-a-alas-sais tayo uuwi, Kuya? Ilang oras ba na iyong balak kumain?" hirit niyang tanong sa kapatid.

Malaking ngiti sa mukha lamang ang sagot nito sa kanya. Hinawakan na rin nito ang kanyang braso upang yayain nang lumabas.

Yradesa didn't mind walking from their home to Calle Nueva but Basilio insisted that they ride a calesa going there.

"Ikaw ba'y may hinahabol na oras, Kuya, at kinailangan pang sumakay?" tanong niya dito habang pinagmamasdan ang mga bahay at mga pamilihan na nadaraanan.

"Upang mas may pag-asa pang maging mas maaga kaysa sa sigurado kong pinakamaaga!"

She knit her brows and tapped her brother's arm with the fan that she was holding. "Ano ang iyong ibig sabihin?"

Mi Corazón (My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon