Capítulo 3

760 47 33
                                    

Trining,

Wala pa ring nagbago kay Ginoong H.! Kay daldal pa rin niya kagaya ng aking kapatid! Ang aking akala ay siya ay naging tahimik na, ngunit marami pa pala itong kuwento nuong matapos na ang hapunan.

Kung hindi pa nga inawat ni Basilio ay malamang hindi na bumalik sa pag-aaral ang tatlo bago lumisan ang dalawa at umuwi sa kani-kanilang tinutuluyan!

Alam kong aking nabanggit na dati, na magkakakaklase silang tatlo ni Ginoong Y. sa Universidad de Santo Tomas ngayon. Si Ginoong H. na taga-Laguna ay siyang nakatira pa rin hanggang ngayon sa isang dormitorio sa may Intramuros.

Ano kaya ang pakiramdam na tumira sa isang malaking bahay na maraming estudiante sa paligid? Ang sabi ni Ginoong H. ay masaya at magulo. May mga estudianteng matitigas din ang ulo at madalas maiingay kaya raw mas nais niyang mag-aral dito sa aming bahay kasama sila Basilio.

Ako'y may mga naging katangahan kahapon, Trining, at hindi ko nalalaman kung napapansin ang mga iyon ni Ginoong Y.. Ipinagdarasal kong hindi!

Trining! O, Trining! Hindi mo lang nalalaman kung ano ang siyang nagaganap sa sistema ng aking katawan habang siya ay aking binabanggit dito!
Paano pa kung siya'y aking nakikita at malapit lamang sa akin? Naiisip ko na ang mga lamang loob ko'y tila nagkabuhul-buhol na, isama mo pa ang aking dila.

Kami ay hindi nakapag-usap ng maayos at hindi ang pagkadaldal ni Ginoong H. ang dahilan. Iyon na naman ay aking kasalanan at wala nang iba pa.

Paano ba kasi na ako'y hindi mahihiya sa kanya? Aking hindi nalalaman kung paano ngunit ang tanging alam ko lamang ay kailangan ko itong pigilin sa lalong madaling panahon. Yuon, o bumalik na lamang ako sa Imus at duon ay mabuhay na lamang uli ng tahimik at malayo sa kanya.

Kami ay inanyayahan ni Ginoong Y. sa kanyang tahanan at nang aking tinanong kay Tiya Asuncion kung ano ang dahilan sapagkat hindi ko narinig ng maayos, ang sabi raw ay kaarawan ng kapatid nito sa susunod na linggo. (Si Tiya ay tinawanan ako 'pagkat oo lamang daw ako ng oo sa bagay na hindi ko raw pinakikinggan)

Isang salu-salo ang magaganap sa susunod at naghalo na naman ang pananabik ko at takot sa loob. Aking makikita ang butihing mga magulang ni Ginoong Y., pati ang kanyang mga kapatid!

Sa ngayo'y susubukin kong hindi isipin iyon masyado dahil ako'y dadalaw muna sa iba kong mga kaibigan.

Sa ngayo'y susubukin kong hindi isipin iyon masyado dahil ako'y dadalaw muna sa iba kong mga kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Heto nga pala at aking iginuhit sila Ginoong Y., ang aking kapatid at si Ginoong H.!

Hindi nga lamang sapat ang aking kakahayaan upang ipakita sa iyo ang kakisigan nilang tatlo. Dito ay isang daang beses pa na higit na kamangha-mangha ang itsura ni Ginoong Y.!

Hanggang dito na lamang muna at baka aking paghintayin na naman si Tiya Asuncion!

Yradesa closed her diary and placed it inside her cabinet. Nagmadali na siyang lumabas bago pa man siya tawagin ni Tiya Asuncion.

Mi Corazón (My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon