Capítulo 2

1K 56 33
                                    

It has been three long years since Yradesa came back to Manila. Not that her family didn't have any means to go to the city. Sa katunayan, si Basilio nga ay matagal nang nag-aaral sa Maynila at sa kasalukuyan, ito ay kumukuha ng abogasya sa Universidad de Santo Tomas. Their father, Don Eduardo, travels back and forth to Manila for business. Siya lang talaga ang hindi pala-punta dito at ang kaniyang tiya naman ay ang madalas nagbabantay sa kanya.

It was all because of what an albularyo friend of his father told them that's why she got stuck in Imus for the past years.

"Malas ang inyong tahanan sa Azcarraga. Sakitin at ganyan ang nangyari sa binti ni Desang dahil sa kamalasan! Pinamamahayan iyon ng masasamang espirito na hindi kayang mapaalis, kaya rin binawian ng buhay si Maria nang kay aga! Kailangan lumipat ng tahanan at mas mabuting huwag na muna magpunta sa Maynila si Desang ng tatlong taon!" the albularyo told her father.
Kamamatay lang din ng kanyang ina noon dahil sa sakit na hindi nila malaman kung ano.

Her father believes in albularyos eversince he was young. Binenta na lang nito ang lumang bahay at bumili ng bago alinsunod sa sinabi ng kaibigan. It was not only blessed by a priest but also, by his albularyo friend who knew different rituals.

At kung bakit tatlong taon, hindi niya alam. Good thing that Yradesa felt contented with her life in the rural area just like her aunt. Umuuwi naman kasi ang kapatid niya kapag bakasyon. She also have a few friends in their hometown that kept her company with the absence of her other friends in Manila. Minsan nga lang nakakaramdam siya ng matinding pangungulila sa ilan ngunit buti na lang paminsan ay sumusulat ang iba, at ang iba rin naman ay dumadalaw tuwing nakakarating ang mga ito sa Imus.

Nuong nakaraan, nagyaya ang kaniyang Tiya na magpunta at duon muna manatili sa Maynila. Yradesa said she wanted to come and his father approved. Napaisip ito nuong una ngunit nang binilang ang taon ay pinayagan na rin siyang makabalik sa Maynila. Naiwan ngayon ang kanyang ama sa Imus.

Now that she's back, she was surprised with her feeling of excitement. Kahit kuntento na siya dati na hindi nagpupunta rito, ngayon naman, iba na ang nadarama. Siguro ganuon talaga— when nostalgia kicks in, a wave of emotion follows.

The second reason why Yradesa also didn't mind being stuck in Imus was because: Manila seemed to be a dream-like place for her. Para kasing kapag naroon siya sa lugar na iyon ay may lagi siyang gustong abutin na pangarap. She didn't want that feeling but that feeling is always bugging her. Worst, the feeling intensifies whenever she sees him.

Kaya naman nang nakausap niya si Basilio nuong umaga at binanggit ang pangalan nito ay nagsimula na naman siyang kabahan.

"Darating nga pala ang iba kong mga kaklase mamaya, may pagsusulit kasi at magtutulungan kaming mag-aral," he told her as she walked him to the door.

"Ang iyong sabihin, Kuya, pag-uusapan niyo lamang ang mga kababaihan na inyong mga nililigawan!" natatawang sabi niya.

Basilio chuckled. "At kung makaparatang ang aking kapatid ay tila ba mahilig ako sa mga kababaihan!"

"Mahilig naman nga! Eh, sinu-sino ba ang darating?"

"Si Herminio at Felix Antonio," sagot nito.

She froze at the mention of his name.

Felix Antonio.

Mi Corazón (My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon