Capítulo 9

346 40 26
                                    

Huwebes nang magyaya nanamang muli si Ignacia kay Yradesa upang sumama sa bahay ni Estrella. Hindi niya sana gustong sumama dahil sa nangyari nuong nakaraan.

Yradesa could still remember how Estrella acted during the latter part of their picnic. Normal pa rin naman itong nakikipag-usap pero hindi niya maalis sa isip ang pagka-seryoso sa mukha nito kapag nakatingin sa kanya. She might just be overthinking or she wasn't really just used to Estrella's rigid expression.

Could it be, because she saw what happened to Felix and her? She wondered. Yradesa would want to explain if that's the case; isang aksidente lang naman kasi iyong nangyari. Hindi rin naman nagsalita si Estrella ukol dito kaya wala na lang siyang sinabi.

Pagkatapos naman din kasi ng nangyari at nagkaroon ito ng pagkakataon makakwentuhan si Felix nuong picnic ay tila lumambot na rin ang ekspresyon sa mukha nito. Hindi nga lang sa kanya.

Estrella did not confront her, so she just stayed quiet. Ngayon na niyaya naman siya ni Ignacia, hindi niya tuloy maiwasan makaramdam ng pagkailang.

"Anong siyang dahilan at hindi mo nais sumama? Saglit lamang naman ito, Desang! Mas masaya kung tayo'y kumpleto!" ani Ignacia bago naupo sa upuan sa kanilang sala. "Ako'y hindi aalis rito nang hindi ka kasama."

Napabuntong-hininga na lang siya. May magagawa pa nga ba siya?

Nagmadali siyang magbihis at ayusin ang buhok. She wore a simple payneta and a red-cream combination of four-piece ensemble. Dinala niya ang mga gamit na pangburda. Ignacia was certainly pleased that she was coming. Siya naman, naiinis sa sarili. Minsan kahit hindi niya gusto ay napapapayag siya para lang sa ikatutuwa ng iba.

During the entire ride, she couldn't help but feel nervous. Hinahangad niyang sana naman hindi na ganuon ka-seryoso si Estrella ngayon.

When they reached the Zamora mansion, Marcela and Gracia were already there. Nakasuot ang mga ito ng magagarang damit na may samu't saring kulay. Hawak na rin ng mga ito ang mga binuburda habang malapit ang grupo na nakaupo sa may bandang bintana.

"Halina kayo, Ignacia at Desang!" tawag ni Estrella. Her friend smiled at her which made her feel somehow relieved. Bumati din ang magkapatid at kinwentong wala raw si Sancha dahil kasama daw nito ang lalaking nais ipakasal dito duon sa bahay nila.

They joined in the conversation while sewing. Tinawag din ni Estrella ang kanilang kasambahay upang dalhan sila ng makakain mamaya. Ang usapan naman na kanilang nadatnan ay ukol sa buhay mag-aaral at sa inaasahan, ang mga kalalakihan.

"Ano na nga ba uli yaong balita na iyong sinasabi kanina, Marcela?" tanong ni Estrella matapos tumigil saglit sa binuburdang disenyong ibon.

"Ukol sa iyong iniirog, amiga! Umabot sa aking tainga galing sa isang kaibigan ang tungkol sa nangyaring usapan ng mga kalalakihan na kanyang narinig habang malapit sa universidad."

Ignacia and Estrella looked very interested and it wasn't that surprising. Even her, felt curious about Marcela's story. Ang tinutukoy na iniirog ay tiyak na si Felix.

"Huwag nang patagalin pa sapagkat iyong nakikitang sila'y nakaabang na," sabi ni Gracia sa kapatid habang bahagyang natawa.

"Nagkukwentuhan raw ang mga binata at animo'y nagtuksuhan nang sagutin ni Felix Antonio ang kasagutan ukol sa kung mayroong nagmamay-ari na ng kanyang puso."

Mi Corazón (My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon