Capítulo 7

442 42 14
                                    

The day after the gathering, Yradesa was surprised upon the arrival of her father. Ang akala niya kasi ay sa susunod na linggo pa ito darating. Masaya siya na nasa Maynila na rin ito at kasama na uli niya, kinagulat nga lang niya ang pagdating ng isang hindi inaasahang bisita na kasama nito.

Pagkalabas niya galing kusina, agad niyang napansin ang isang binatilyo na sa palagay ni Yradesa ay mas matanda ng ilang taon sa kanya. Nakaupo iyon sa harap ng kanyang ama sa kanilang hapag. May pagka-Español ang itsura nito ngunit ang balat ay kayumanggi.
His wavy hair looks a little stubborn and his eyes look... stern. He was clad in a very simple baro and pants. Sa isang tingin, mukhang seryoso ang pagkatao nito.

"Papa—" natigil ang pagsasalita niya nang makitang nakatingin sa kanya ang lalaki.

"Desang!" Lumapit siya kay Don Eduardo at humalik sa pisngi nito. "Ito nga pala si Romualdo, ang anak ni Ginoong Roberto de los Santos."

Naaalala niya si Don Roberto. Ito ang kaibigan ng kanyang ama na nakatira na sa Paris ngunit ang anak nitong si Romualdo ay ngayon lang niya nakita. She didn't expect him to look... very simple. Hindi sa hinuhusgahan niya ito. She just expected him to look so fashionable, like those men who came back from Europe. Panay ganuon kasi ang nakikita niya. Si Estrella nga na hindi pa nakatira duon at nagbabakasyon lang ay panay nasa-moda ang kasuotan.

"Kinagagalak kitang makilala," sabi nito sa kanya. Malalim ang boses nito, akma sa katangkaran nito. "Hindi niyo ho sa aking nabanggit na marikit ang inyong nag-iisang babaeng anak, Tiyo."

Yradesa felt her cheeks flushed as she forced a smile. Anong klaseng pambobola iyon? She's quite sure he has seen more pretty girls in Europe than her. Nagsawa na kaya ito sa mga babaeng matatangos ang ilong at malalaki ang mga mata?

Tumawa naman ang kanyang ama.

"Mana sa kanyang ina," kumento nito.

She sat down beside his father when he gestured him to do so.

"Saluhan mo kami sa merienda, hija."

"Opo, Papa."

Lumabas naman si Tiya Asuncion na dala-dala ang ensaimadang binili ni Aling Loring sa La Palma de Mallorca para sa kanilang merienda. Ang kasambahay naman ay dala ang mga tasa ng mainit na tsokolate.

"Kayo rin, Asuncion at Loring," dagdag ng kanyang ama. "Sumabay na rin kayo."

"Hindi na po, Señor. Marami pong salamat," ani Manang Loring.

"Sige lang at kayo'y mauna nang kumain at mamaya-mamaya akong makikisalo. Aldo, kumain ka lamang at huwag mahiya."

"Opo, Tiya."

Romualdo smiled. Kahit ang ngiti nito ay maypagka-seryoso pa rin.

Tiya Asuncion left afterwards and Yradesa was left with her father and their guest.

Nagsimula silang kumain at nagsimula na rin ang kwentuhan. The two started to talk about business in which Yradesa did not listen as she wasn't interested in the topic. Kumain lang siya habang lumilipad ang kanyang isipan. Her thoughts were then filled with what happened yesterday.

The gathering in the Yuchenco's ended up after a hour and a half last night, but the other guests stayed. Nag-ku-kwentuhan pa sila Ginoong Yuchenco at ang mga amigo nito. Pati ang mga ibang kaibigan ng magkakapatid ay naiwan.

Mi Corazón (My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon