Capítulo 5

497 40 22
                                    

Trining,

Wari ko'y mayroong nalalaman si Basilio ukol sa aking sikreto. Itinago niya ang planong lakad kasama ang mga kaibigan kahapon upang mapapayag lamang ako na sumama! Nangyari na ang nangyari at sa totoo lamang, ako'y nasiyahan naman kahit buong gabi atang naghuramentado ang aking puso.

Iyong hulaan kung ano ito, Trining!

Ito ang disenyo ng sapatos ni Ginoong Y

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito ang disenyo ng sapatos ni Ginoong Y.. (Oo na't kailangan ko pang paghusayan ang aking pagguhit) Sa tagal ng aking pagtitig ay nakabisado ko na ang itsura!

Ako'y nagpaikut-ikot sa kama kagabi nang dahil sa pakiramdam na nakikiliti ang aking loob sa mga pangyayari. Sa kasamaang palad, ako'y nahulog dahil sa kawalan ng balanse sa dulo ng higaan. Saktong dumating si Tiya at nadatnan akong nasa sahig, ang mukha ay nakalapat sa sahig. Napasigaw siya ng "Dios Mio!" at akala niya'y nawalan ako ng malay.

Magandang balita: Maayos naman ang aking lagay.

Marahil ay nagsisimula na uli na ako ay masanay sa presensya ni Ginoong Y. ngunit hindi pa rin nawawala ang hiya. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, ika'y maniwala, Trining! Walang pagtatago kahapon sapagkat wala naman na akong magagawa. Hindi naman maaari ang pagtago sa ilalim ng mesa, sa pananatili sa calesang nasa Luneta o sa pagtatago sa katawan ng isang matabang kabayo.

Kahapon ay nasambit ni Ginoong Y. ang tungkol sa kagandahan ng aking mukha. Hindi ko nalalaman kung sadyang ayaw lamang niya ako na yumuyuko o pinagaganda niya lamang ang aking pakiramdam. May nakapagsabi pa naman sa akin na ang abugado ay isang taong may kakayahan ding magsinungaling na hindi mapaghahalataan sa korte. (Oo na't aking nalalaman na hindi sinunguling klase ng tao ang ginoong iyon. Marahil hindi lamang ako makapaniwala.)

Ah, basta't kay sarap pakinggan ng kanyang tinig nuong sinabi niya yuon! Pakiramdam kong saglit ako ang siyang pinakamagandang dilag sa Paseo de Luneta kahit hindi!

Heto kami na naglalakad sa Paseo de Luneta. Ito ang aking obra na pinamagatang: El Hombre y El Bizcocho (Ang Lalaki at Ang Biscocho) May burda ang damit ng ginoo ngunit hindi ko na iginuhit dahil tuluyan nang aking nalimot. Sa susunod ay sasauluhin ko na ang detalye, pangako.

 Sa susunod ay sasauluhin ko na ang detalye, pangako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mi Corazón (My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon