27: Kissing Scene

2.4K 154 62
                                    


Anna's POV

Unti unti kong minulat yung mga mata ko, nakita ko si Liam sa harapan ko na nakangiti at nakayuko.

Nung tumingin ako sa likuran niya nakita ko duon si Xander na inuubo. Walang tigil yung pag ubo niya. Shete! Nakita kaya niya na hahalikan na sana ako ni Liam?

Hindi eh. Panira siya eh. PANIRA! Yun na yun eh! Yun na yun! Huhuhu ang malas naman oh!

Tumigil siya sa pag ubo niya tapos tinignan niya ako.

"Oh Anna! Kakarating niyo lang? Tara practice na tayo." Tumakbo siya papaalis ng napakabilis. Sa bilis niyang magsalita ni halos wala akong naintindihan.

"See you later." Kinindatan muna ako ni Liam bago siya umalis sa tabi ko.

Naiwan akong tulala. Balak ba talaga akong halikan ni Liam? Sayang talaga. Si Xander kasi eh panira buiset! -_-

Tumakbo ako papalapit kay Xander. Nagaayos siya ng curtain.

Nilapitan ko siya tapos binatukan ko.

"Ouch! My precious head! Why!?"

"Anong why!? Panira ka ng moment!" Kung makatingin siya sakin parang walang nangyari. "Bakit ka inubo? At bakit sa harap pa namin!?"

"Kasalanan ko ba na makati lalamunan ko?" Wengya hindi sapat na rason yon! Sinira niya yung moment namin! Sinira niya!

"Pero hahalikan ako ni Liam! Hindi mo ba nakita!?" Akala ko matatawa siya pero ang seryoso niya.

"Gustong gusto mo naman?"

Natigilan ako. Oo nga noh? Feeling ko tuloy ang landi ko. Hays Anna ano ba kasing iniisip mo? Ano yun, mauuna akong makahalik kaysa sa magka boyfriend? No no.

"H-hindi. S-sorry." Umiwas ako ng tingin. Na realize ko na masyado na akong obvious na gusto ko na mahalikan ako.

"Psh... Halika nga." Hinila niya ako paalis dun sa pwesto ko.

Pinaupo niya ako sa isang upuan sa tabi ng stage. Tumakbo siya palayo saakin tapos may kinakalikot siya sa box.

Anong hinahanap niya?

May kinuha siyang isang sapatos na may heels. Lumapit siya sakin at lumuhod siya sa harap ko.

Wait, lumuhod!?

Tinanggal niya yung sapatos ko at kinabit niya sakin yung sapatos na may heels.

Mala Cinderella lang ang peg?

"Huy, ano yun?" Tumayo siya sa harap ko tapos huminga siya ng malalim.

"Ipractice mong lakarin yan. Gagamitin mo yan sa kissing scene." Ahh... Sa kissing scene lang naman pala eh.

KISSING SCENE!?

"Whoa whoa. Pakiulit nga yung sinabi mo?" Tama ba yung narinig ko? Kissing scene talaga?

"Maganda ka sana kaso bingi ka." Sinamaan ko siya ng tingin. "Tsk sabi ko gagamitin mo yan sa kissing scene."

OMO!

"Sinong hahalik sakin?" Umiwas siya ng tingin, lalo tuloy akong kinabahan.

"It's me by the way."

Bitch? Bitch my freakin' face hindi niya pwedeng nakawin yung unang halik ko! AMP! hindi pwede. Back out na ako. Hindi. Hindi pwede.

"Relax. Hindi kita hahalikan sa labi. Nakahiga ka naman sa part na hahalikan kita kaya walang makakakita. Sa... Sa gilid lang ng labi mo."

"Pero---" Hindi na niya ako pinatapos mag salita.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon