37: Gang

1.7K 158 121
                                    

Anna's POV

"Mukhang humina ka na ata, Xander?"

Asan na ba ako? Nakapikit palang ako pero naririnig ko na kung sino yung nagsasalita. Si Marco ata yun, yung nakaaway ni kuya Andrew nuon.

Unti unti kong minulat yung mga mata ko ng palihim. Teka namamanhid yung buong katawan ko. Nasa isang madilim kami na warehouse.

Nakita ko nalang si Kie na nakabulagta sa sahig pinapalibutan ng pitong lalaki.

Naaawa ako kay Xander kasi nakahiga na talaga siya sa sahig. Kanina pa ba siya pinagtutulungan ng mga lalaking yan!? Bakit hindi siya lumalaban!?

Kinuha ni Marco yung kwelyo si Xander tapos hinila niya patayo. Once again sinutok niya ng napakalakas si Kie kaya nahulog ulit siya pahiga.

YAH! XANDER LUMABAN KA!

Gusto ko yan isigaw sakanya. Ngayon ko lang din napansin na nakatali pala yung mga kamay ko at paa kaya hindi ako makakawala.

"Humina na ata stamina mo, Xander." Rinig sa buong ware house yung tawa ni Marco. Bakit ganun!? Hindi lumalaban si Xander!? Akala ko ba malakas siya!? Akala ko ba leader siya ng Gang kaya malakas pa siya kay Superman!? Sabi sakin ni Andrei yun!

"Lumaki na ata ulo mo, Marco." Walang hiyang Xander 'to inaasar pa. Hindi pa ba siya nanghihina?

"Madami kang kasalanan kila K&G. So dapat daw, pagbabayaran mo yung mga yun." May atraso din pala si Xander sakanila. Pero bakit!? Ano bang ginagawa namin sakanila!? Hindi naman patas yun.. Iba na eh!

Sinenyasan ni Marco yung isang kasama niya. Inabot nung kasama niya kay Marco yung isang tubo.

Pinalo niya yun kay Xander, ng napakalakas.

XANDER LUMABAN KA PLEASE!!! PROTECT YOURSELF!!!

Naiiyak na ako. Ayokong makita si Xander ng ganyan. Puno na yung mukha niya ng mga pasa at sugat. Yung gwapo niyang mukha, ibang iba na. Nanghihina na ako. Nasasaktan ako sa kalagayan niyang yan. Bakit ba kasi hindi siya lumalaban!?

Papaluin nanaman sana siya ni Marco ng tubo kaso.....












"TAMA NA!!!"

Napatingin silang lahat sakin pati si Marco at Xander. Tinignan ko si Xander kasabay ng pag patak ng mga luha ko. Nakita ko yung mga mata ni Xander, yung mga matang nagmamakaawa. Yung tingin niya saakin, kakaiba..........

'Tumahimik ka na nga lang babae ka! Ingay ingay.. Psh..'

Yan yung tingin niya sakin. Yung lagi niyang sinasabi tuwing maingay ako.

"Gising na pala ang prinsesa." Ngumiti sakin si Marco ng nakaka loka. Lumapit siya sakin habang nakasabit sa balikat niya yung tubo.

Umupo siya para makapantay niya ako.

"Alam mo buti nalang talaga andyan ka..." Hinawakan niya yung mukha ko. Nanginginig na ako sa takot. Waaah kuya help me! T_T

"Wag kang matakot, Anna. Hindi naman ako nangangagat eh."

Dinaan niya yung isang daliri niya sa labi ko. Hindi na ako nag aksaya ng oras kaya kinagat ko 'yon.

"FUCK! WHAT THE HELL!"

Galit na galit yung mukha ni Marco. In span of time sinampal niya ako ng malakas. Napakalakas. Gusto kong maiyak pero ayokong ipakita kaso hindi ko na napigilan.

"Tumigil ka na.."

Kalmado lang yung pagkakasabi nun ni Xander pero halatang galit na galit na siya. Tinignan ako ni Marco tapos hinawakan niya ulit yung mukha ko.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon